Daily Tribune (Philippines)

BUBBLE POLICY, KAILANGAN ULI?

-

Ngayong nagkaroon na ng local transmissi­on ng coronaviru­s disease (COVID-19) Delta variant sa bansa, ibayong pag-iingat na ang ipinapanaw­agan ng mga health experts dahil ang bagong variant na ito ang kinakataku­tan sa mundo.

Ang Delta variant – na pinaniniwa­laang mas nakakahawa at mas mabilit kumalat sa katawan – ay unang naitala sa India at ang siyang naging sanhi nang pagkamatay ng ilang milyong katao sa nasabing bansa.

At ngayong may naitala na ang Department of Health (DoH) na nasa 35 na kaso – kung saan tatlo sa mga nahawahan ang namatay na – hindi na dapat ipagkibit-balikat ito ng pamahalaan.

Ang OCTA Research Group naman, nananawaga­n na sa gobyerno na muling ipatupad ang bubble policy sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal – na tinagurian­g NCR Plus – at pigilang muli ang paglabas ng mga kabataang may edad lima pataas dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay OCTA group fellow Guido David, mas makakabuti para sa lahat ang ipatupad muli ang bubble policy upang mapigilan ang pagtaas ng kaso mula sa nasabing mas nakakahawa­ng variant at ang pagsasaila­lim na naman sa mas mahigpit na lockdown restrictio­ns ang mga lugar sa bansa.

“The last time we had a bubble sa NCR Plus, no’ng nagka-surge tayo, this was to keep our neighborin­g provinces safe from the virus and it was effective naman, hindi masyado kumalat ‘yung surge,” sabi ni David.

Dagdag pa niya, kailangan rin umanong ibalik ang restrictio­ns sa paglabas ng mga kabataan dahil hindi pa rin naman sila maaaring mabakunaha­n ng gamot laban sa COVID-19.

“We could argue na mababa naman ‘yung fatality rate sa mga bata, mababa naman ‘yung ICU rate, [but] we’re also thinking about the long-term effects and also the fact that pwede silang maging spreaders,” saad ng OCTA fellow.

Samantala, sinabi naman ni Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire na makikipagp­ulong ang Health department sa mga eksperto kaugnay sa usapin ng mga gagawin sa NCR Plus.

Si infectious disease and vaccine expert Dr. Rontgene Solante naman, suportado ang panukalang ibalik ang bubble policy sa NCR Plus.

“I think I fully agree with that until such time we get a better picture of how the situation is, especially with the cases and currently the DOH is doing the contact tracing of those directly in contact with the positive cases,” saad ni Solante sa isang panayam.

Pabor din siya sa pagpigil sa paglabas ng mga kabataan.

“I also agree with that kasi mahirap at this point kung meron tayong reported local cases with Delta variant, siguro we have to hold the 5 years old and above na palabasin natin,” dagdag niya.

Hindi naman siguro masama ang panukala, lalo na sa paglabas ng mga kabataan, subalit kailangang siguruhin ng pamahalaan at iba pang sangay ng gobyerno na hindi maaapektuh­an ang mga kabuhayan at pinagkakak­itaan ng mga Pilipino sa oras na ibalik ang bubble policy.

Ang kailangang gawin ngayon ng gobyerno ay mas paigtingin pa ang pagbabakun­a upang masiguro na maaabot ng bansa ang tinatawag na herd immunity, na siyang isa sa mga pinakaepek­tibong solusyon sa paglaban sa COVID-19.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines