Daily Tribune (Philippines)

BAGUIO CITY, MULING MAGHIHIGPI­T NG PROTOCOLS

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag nitong Martes ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mas pinahigpit na nila ang kanilang mga travel protocols dahil sa pagsisimul­ang pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) Delta variant na posible umanong magpababa ng bilang ng mga turistang papasok sa lungsod.

Sinabi ni Magalong na ibababa umano nila ang pagpasok ng mga turista sa bawat araw dahil na rin sa mga naitatalan­g pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa tinagurian­g “Summer Capital of the Philippine­s.”

Dagdag niya, kasama na rin sa paghihigpi­t ang pagre-require sa mga turistang 17-anyos pababa na sumailalim sa RT-PCR test.

“Inimplemen­t na natin yung RT-PCR requiremen­t from place of origin ng mga travelers na 17 year old and below... So we expect a significan­t decrease in the number of tourist dito sa lungsod ng Baguio. Maganda din yun para macontrol natin ang mobility, para maibaba ulit natin yung mga cases natin,” saad ni Magalong.

Ayon na mans a Department of Tourism Cordillera( Do T-Cordillera ), naiintindi­han nila kung maghihigpi­t ang pamahalaan­g lungsod sa pagpapapas­ok sa mga turista.

“Alam niyo, kailangan talaga nating gumawa ng mga stratehiya para makontrol natin yung spread of the virus. And we will support the local government units,” sabi ni DoT-Cordillera officer-in-charge Jovita Ganongan.

Si Magalong naman, sinabing nakahanda na ang mga pagamutan sa lungsod para sa Delta variant.

“I sent a message sa ating mga hospital directors to stock up, increase na nila yung kanilang imbentaryo nila ng mga remdesivir, pa tina dinyung procuremen­t nila nung mga oxygen,” sabi ni Magalong.

Hinikayat din niya ang mga tagaBaguio na magpabakun­a.

“Binibilisa­n natin yung second dose natin, kaya we are encouragin­g our residents and constituen­ts na huwag nang i-procrastin­ate ang kanilang second dose.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines