Daily Tribune (Philippines)

SUNSHINE CRUZ SINAGOT ANG KOMENTONG MUKHA SIYANG PERA

- BY GLEN P. SIBONGA

Natawag ang pansin ni Sunshine Cruz ng komento ng isang netizen na nagsasabin­g “mukhang pera” ang aktres dahil matapos ang magkakasun­od na mga proyekto sa ABS-CBN ay tumanggap naman siya ng proyekto sa GMA-7, na tila ba kinukuwest­iyon ang loyalty niya.

Nag-promote kasi si Sunshine sa social media ng pagbibidah­an niyang two-part episode ng Wish Ko Lang ng GMA-7.

Maraming nag-congratula­te kay Sunshine, pero hindi nawala ang bashers at hindi magagandan­g komento kasama na nga ang mukha siyang pera. May nagkomento pa na makapal ang mukha ng aktres dahil sa pang-iiwan sa ABSCBN at umano’y hindi pagtapos ng kontrata bilang Kapamilya.

Kaya naman nagpaliwag na si Sunshine kaugnay rito sa pamamagita­n ng post niya sa kanyang Facebook page bilang pagkaklaro. Ipinagdiin­an ng aktres na freelancer siya at walang exclusive contract sa anumang TV network.

Ayon sa FB post ni Sunshine, ‘Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon.

“I am grateful to both networks for always giving me the opportunit­y to work for them. Lagi nila akong tinatangga­p with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso

“Even with TV5 nagpapasal­amat ako because I will be seen soon bilang guest sa Niña Niño. Hindi ako nagdalawan­g isip dahil gusto ko ulit maka trabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa Wildflower. “Isa akong ‘freelance artist o freelancer’ and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunida­d that’s being offered to me ay aking tatanggapi­n.

“I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.”

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines