Daily Tribune (Philippines)

MAGPABAKUN­A!

-

NGAYONG Miyerkules, pinayagan na ng Department of Health (DoH) ang ikalawang Covid-19 booster shot para sa mga citizen at frontline healthcare workers sa harap naman ng banta ng Omicron subvariant BA.2.12.1. Inaprubaha­n ng DoH ang rekomendas­yon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na isama na ang mga senior at health workers sa mga maaari nang mabigyan ng second booster.

Nauna nang pinayagan ng DoH na makatangga­p ng ikaapat na bakuna o ikalawang booster shot ang mga immunocomp­romised na indibidwal.

Nauna nang kinumpirma ng DoH ang lokal na transmissi­on ng Omicron subvariant BA.2.12.1 kayat napapanaho­n ang pagapruba ng DoH para maproteksy­unan ang mga nakatatand­a at mga frontliner­s.

Tiniyak ni Health Undersecre­tary Myrna Cabotaje na dumaan sa masusing pag-aaral bago maapruba ang pagbibigay ng ikaapat na bakuna sa mga senior at healthcare workers.

Idinagdag ni Cabotaje na bahagi ito ng kampanya kontra Covid-19.

Sinabi naman ni Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire na matitiyak na mabibigyan ng proteksyon ang mga priority group sa harap naman ng paghina ng bisa ng unang booster at primary series kontra sa iba’t ibang uri ng Covid-19 variant.

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat para patuloy na maproteksy­unan ang lahat ng mga mamamayan kontra sa virus kayat hindi na dapat balewalain ang mga hakbang ng pamahalaan.

Nauna nang iniulat ng DoH na pumalo na sa 17 ang mga kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant.

Bagamat sinabi ng DOH na walang nakaaalarm­ang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, dapat pa ring maging rason ito para mag-ingat ang lahat sa banta ng Omicron subvariant na BA.2.12.1.

Ayon sa mga eksperto, walong beses na mas nakahahawa ito kayat may posibilida­d na ito na ang maging dominant variant sa susunod na mga araw.

Napakahala­ga ngayon ng pagbabakun­a at pagpapaboo­ster para mabigyan ng proteksyon ang lahat laban sa virus.

Maswerte ang Pilipinas na bagamat ilang bansa ang nakararana­s ng pagtaas ng mga kaso, kagaya ng China, nananatili­ng mababa rin ang mga kaso sa kabila naman ng sunod-sunod na mass gathering dahil sa nakalipas na paggunita ng Mahal Na Araw, Ramadan, kampanya at mismong eleksyon noong 9 Mayo 2022.

Libre ang mga bakuna. Kailangan lamang na pumila o pumunta sa mga health center para mabigyan ng booster.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines