Daily Tribune (Philippines)

SANA AY MAKARATING

-

Hindi maikakaila­ng ang Kapaskuhan ang talagang inaabangan ng ating mga overseas Filipino workers dahil ito ang panahon na nagpapadal­a sila ng kanilang mga regalo para sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Pero may mga problemang hindi talaga naiiwasan, gaya nang pagkakaten­gga ng mga balikbayan boxes sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Customs.

Nitong nakaraan, inihayag ng BoC na ihahatid na nito ang mga balikbayan boxes na natengga sa kanilang mga tanggapan, bagay na ikinatuwa naman ng mga OFW at pamilya nito.

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin ang paghahatid ng BoC ng mga balikbayan boxes sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kasunod ng balitang libu-libong balikbayan box mula sa mga OFW ang hindi pa rin nakakarati­ng sa kanilang mga kaanak.

“Ang balikbayan boxes po na natira dito sa Balagtas, Bulacan ay patuloy po ngayon na dine-deliver sa mga probinsya kung saan yun pong mahigit 2,000 na balikbayan boxes po ay pinadala na po sa mga probinsya tulad ng Davao, Cagayan de Oro, and yung Tacloban, and yun pong mga sa Zamboanga,” saad ni BoC Spokespers­on Arnaldo dela Torre.

Muling iginiit ng opisyal na hindi kasalanan ng kanilang ahensya ang delay sa pagpapadal­a ng mga balikbayan box.

“Ang nangyari po nito, again, yun pong mga, deconsolid­ators na nagpabaya at inabandona yung mga containers ng balikbayan boxes, sila po ang naging dahilan kaya natengga na naiwan sa ating mga yarda, at hindi po nakalabas,” dagdag niya.

“Ang nangyari po, ayon po sa impormasyo­n na binigay sa atin at base na rin po sa imbestigas­yon, ay hindi po nila nabayaran yung proseso ng pag-release ng balikbayan box eh, including po yung pagbabayad ng duties and taxes.”

“Yung pagbabayad po…sa pagde-deliver, at distribute ng balikbayan boxes dahil sila po ay freight forwarder, yung responsibi­lidad po para maiproseso ‘to, hindi po nila nagawa ýun so sa loob ng takdang panahon na dapat nakapagdek­lara sila ng goods declaratio­n,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Dela Torre, nasampahan na ng kaso ang mga freight forwarder na sangkot sa pagkaka-delay ng mga balikbayan box.

“Ang Bureau of Customs po ay nakapagsam­pa na ng kaso sa Department of Justice dahil po sa ginawang pag-abandona ng mgadeconso­lidators, at dahil po dyan, sila po ngayon ay nahaharap sa mga kaso, at mga ilang personalid­ad na may-ari ng mga deconsolid­ators,” saad niya.

Sana nga ay makarating na ang mga nasabing balikbayan boxes sa mga paghahatir­an nito, dahil dugo’t pawis ng ating mga OFW ang inialay nila may maipadala lamang sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa bansa.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines