Daily Tribune (Philippines)

INGAT PA RIN ANG KAILANGAN

-

Kahit nagdiriwan­g na ang bansa ngayong Kapaskuhan, hindi pa rin tumitigil ang ating mga health workers at medical practition­ers sa pagpapaala­la sa publiko na sumunod pa rin sa mga ipinatutup­ad na health at safety protocols.

Hindi pa rin naman kasi nawawala ang banta ng coronaviru­s disease pandemic, lalo na ngayong naglalabas­an pa rin ang mga variants na pinaniniwa­laang mas nakakahawa pa.

Ayon sa ilang eksperto, kailangan pa rin umanong magsuot ng masks dahil sa banta ng BF.7 omicron subvariant lalo na sa mga lugar na mataas ang tsansa ng hawahan ng COVID-19.

Bagama’t optional na lang ang pagsusuot ng face sa karamihan ng indoor at outdoor settings, may paalala si Philippine College of Physicians president Diana Payawal.

“Kung marami pong tao kung closed ‘yung area at mababa ‘yung ceiling ina-[advise] po namin na kayo pa rin ay mag-face mask,” saad ni Payawal..

Sundin pa rin aniya ang social distancing at maghugas ng kamay kung kinakailan­gan para makaiwas sa sakit.

“Wear your mask when it’s crowded... sana ay sundin pa rin natin ang health protocols,” dagdag pa niya.

Ngayong nagluwag na ang mga alert level restrictio­ns sa bansa, hindi naman masama kung susunod pa rin tayo sa mga health protocols dahil kailangan na nating iwasan ang pagtaas ng mga maitatalan­g kaso ng COVID-19 sa bansa.

Malaking hirap na ang hinarap ng ating mga frontliner­s sa pagpigil na kumalat ang nakamamata­y na sakit, kaya sana ay huwag nating sayangin ang kanilang mga naging sakripisyo upang masigurong lahat ng Pilipino ay magiging ligtas sa sakit.

Wala naman sigurong mawawala kung patuloy pa rin tayong magsusuot ng mask, dahil para rin naman ito sa proteksyon ng lahat.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines