Daily Tribune (Philippines)

MGA MANGGAGAWA, BALIK MAYNILA NA

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Dahil tapos na ang pagdiriwan­g ng Pasko, nagbalikan na sa Metro Manila ang maraming manggagawa­ng nagbakasyo­n sa mga kalapit na probinsya nitong long weekend para doon mag-Pasko at Lunes pa lamang ng hapon ay mabigat na ang trapiko sa North Luzon Expressway at SCTEX na tumagal hanggang alas-2 ng madaling araw Martes.

Ayon kay Robin Ignacio ng NLEX, lampas 10 porsyento ng karaniwan ang dami ng sasakyang dumaan sa naturang expressway­s nitong Lunes at nitong Martes ng umaga ay usad pagong din dito noong rush hour, o bago mag-alas-8 ng umaga.

“For a few hours early this morning, mas mataas kesa normal natin na traffic volume... Nagkakaroo­n tayo ng around 6-kilometer slow moving sa Bocaue and likewise dito rin sa Balintawak and Mindanao nagkaroon ng pagpila, bagamat tayo ay nagdagdag ng cash lanes. For that 2 or 3 hours na pagdaan ng mga kababayan kanina, mas mataas kesa normal traffic flow,” sabi ni Ignacio.

Sa Araneta Center bus port sa Cubao, may pagdami na rin ng mga pasahero kaninang umaga, pero inaahasang mas darami pa ito pagkatapos ng selebrasyo­n ng bagong taon sa Enero.

“Yung iba sasagarin na nila up to new year, so expected namin right after new year na, although nagkaroon ng slight increase compared to the previous month. Ngayon naglalaro naman kami 2,000 to 3,000 passengers average daily,” sabi ni Ramon Legazpi, manager ng Araneta Center bus port.

Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, pumalo sa higit 190,000 na pasahero ang bumiyahe nitong Disyembre 26, pinakamata­as mula nang magsimula ang operasyon ng naturang terminal.

“Holidays have always been the busiest days for the terminal, but it never really hit the 190,000 mark, so we’re really surprised with yesterday’s numbers. Neverthele­ss, the terminal is designated to handle 200,000 passengers daily. Rest assured we’re always prepared for any surge in numbers,” sabi ni Jason Salvador, tagapagsal­ita ng PITX.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines