Daily Tribune (Philippines)

MGA TURISTANG PINOY, NANAKAWAN

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Dalawang turistang Pinoy ang nabikitima ng mga magnanakaw na tumangay sa samu’t saring mamahaling gamit kabilang na ang mga bagong biling designer bags at damit na tinatayang aabot sa dalawang milyong piso.

Ang mga biktimang kinilalang sina Ovarah Rumohr at Rolando Hortaleza ay galing Madrid, Spain at patungong Marseille, France, lulan ng Iberia flight IB 8750 at sa kanilang paglapag, nadiskubre nilang pwersahang binuksan ng mga kawatan ang kanilang apat na maleta.

“Talagang they really like, forcibly opened the loc, and it was already unzipped while taking our luggage from the conveyor talagang ang gaan na nila talaga. Ninety percent, lahat ng gamit namin, so that includes yung mga shinopping namin, yung mga things that we packed from Manila that we’re planning to use over here,” sabi ni Rumohr, kasama si Hortaleza, na mga turista sa Europa.

Ayon sa dalawa, sa Madrid airport pa lang ay nilimas na ang kanilang mga gamit.

“I was so shocked and felt like we’re being really robbed and definitely 101 percent na hindi talaga yun nangyari sa Marseille. It was in Madrid airport,” dagdag ni Rumohr.

May naiwan pang ebidensya ng mga kawatan and isang pares ng communicat­ion device sa loob suitcases nila. “The thieves left evidence which is the two walkie talkies inside our suitcases.

I guess, they were in a hurry so naiwan nila yun sa loob ng bagahe namin.

According to the police and staff sa Marseille airport, “we are not using this kind of radio, so we guarantee you it’s not from us,” sabi ni Rumohr.

Bukod sa paghain ng reklamo sa Marseille police, nakipag-ugnayan din sila sa embahada ng Spain sa Manila at sa mga otoridad sa Madrid para sa agarang imbestigas­yon.

“They got our statements and then also in Manila, I asked my staff to write a complaint to Spanish Embassy in Manila, Madrid airport management, and Madrid airport police,” sabi ni Hortaleza, CEO ng Hortaleza Corporatio­n.

Dating flight attendant si Rumohr. Hindi ito ang unang pagkakatao­n na ninakawan ang kanyang checked-in baggage.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines