Daily Tribune (Philippines)

RR ENRIQUEZ, SUMAWSAW NA NAMAN

- NI JOY ASAGRA

Hindi napigilang magkomento ng binansagan­g Sawsawera Queen at aktres na si RR Enriquez sa recent post ng OPM rapper na si Skusta Clee kaugnay sa umano’y lambingan ng nito sa bago umano nitong karelasyon na Viva Max star na si Ava Mendez.

Binasa pa ni RR ang isang balita na kung saan ay naging usap-usapan sa social media ang video post ni Ava na makikitang binugbog siya ng halik ng rapper.

Ayon sa Sawsawera Queen, hindi dapat ipinagmama­laki ang ganyang klaseng tao, lalo na’t kung alam ng maraming tao na babaero ito.

“Sa totoo lang, hindi nakaka-proud. Kung ako ‘yung babae, hindi ako magiging proud na i-display si Skusta Clee na hinahalik halikan ako. Sorry ah, alam ko namang hindi kagwapuhan si Jayjay pero ang layo ng itsura. Charot! Pero ayun nga, lalo na kung alam natin na babaero,” sabi ni RR sa kanyang vlog.

“Okay lang naman kung hindi naman kagwapuhan eh, pero hindi na nga kagwapuhan tapos babaero ka pa, parang hindi nakaka-proud, hindi mo ‘yan ikinaganda girl! ‘Yan lang ang masasabi ko sayo. Hindi siya nakaka-proud sa totoo lang. Pero kung ikaw, proud ka, we’re happy for you,” sabi pa niya.

May mga binasa pang komento mula sa mga sawsaweran­g netizens si RR at biglang isiningit na dahil sa pagiging sikat ni Skusta kaya raw maraming lumalapit dito.

“Hindi rin naman siya OA sa yaman, pero feeling ko dahil nga sikat, siyempre ‘di ba, ganun naman eh. Feeling ko lang ito ha, ako lang ‘to,” sabi ni RR.

“Dahil nga sa may pangalan, sikat naman talaga si Skusta Clee at magaling naman talaga kumanta. I really like his songs ha, paborito ko talaga siya. Si Skusta lang hindi, charot!,” dagdag niya.

“Pero ayun nga, hindi ako naniniwala sa pera eh. Sa fame kaya dinidikita­n or pwedeng mabait naman pala, mapagmahal, malambing, baka naman diba. Nagkataon lang talaga na habulin ng mga babae,” sabi pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines