Daily Tribune (Philippines)

BAGONG PAG-ASA

-

Hindi maikakaila­ng ang taong 2022 ay naging kontrobers­yal lalo na pagdating sa mga nangyari sa buong taon na talaga namang gumimbal sa lahat.

Nariyan na ang pagtaas ng bilang ng kasong rape at sunodsunod na kidnapping sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ilang mga magulang din ang naalarma kaya mas pinaghihig­pitan nila na lumabas at gumala ang kanilang mga anak.

Nariyan rin ang hindi maaawat na pagtaas ng presyo ng krudo at mga bilihin.

Nakita rin nating ngayon taon ang ang pagbabago ng administra­syon kung saan hinirang si Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Pangulo ng bansa.

Hindi rin nakaligtas ang taong ito sa mga krimen, gaya nang pamamaril sa dating mayor ng Lamitan City, Basilan na si Rose Furigay maging ang kaniyang bodyguard at isang security personnel ng naturang paaralan, noong Hulyo 24, samantalan­g sugatan naman ang anak nitong si Hanna Rose.

Nariyan rin ang pagpatay sa broadcaste­r at komentaris­tang si Percival Mabasa o mas kilalang si ‘Percy Lapid’ matapos barilin sa loob mismo ng kanyang kotse, sa Las Piñas City noong Oktubre 3.

Pinaniniwa­laan naman ng pamilyang naiwan ni Percy Lapid na posibleng ang kaniyang trabaho bilang mamamahaya­g ang dahilan kung bakit binaril ito. Nakapagsag­awa pa umano ng kaniyang programa si Lapid, kung saan binanatan niya sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Lorraine Badoy sa ginagawa umano nilang “red-tagging.”

Pero hindi naman lahat ay nakagigimb­al, dahil dalawang araw bago pumasok ang Bagong Taon, hinirang ng 2022 End of Year Survey ng Gallup Internatio­nal Associatio­n ang Pilipinas bilang ang pinakamasa­yang bansa sa bansa.

Iyan ay sa kabila nang mga hirap na nararanasa­n ng mga Pinoy ngayong taon.

Pinangunah­an ng Pilipinas ang survey sa score na 75 percent at sinundan ito ng Mexico, Malaysia, Afghanista­n at Ecuador.

Ngayon pagpasok ng 2023, nananalang­in kami na masolusyun­an na ang lahat nang hinaharap na problema ng ating mga kababayan at ang Bagong Taon ay nagbabadya rin ng isang panibagong simula.

Salubungin natin ito kalakip ng pag-asang magiging maayos rin ang lahat.

Manigong Bagong Taon, mga Ka-Tribu!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines