Daily Tribune (Philippines)

CRISTINA GONZALES, NAGWAGI

- NI JOY ASAGRA

Nagwagi si dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez sa Respect: Noble Queen of the Universe coronation program sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, noong December 29 at minana ng dating lingkod-bayan at singer-actress ang korona mula kay Modoka Kudeken mula sa Japan, na tinanggap ang titulo sa edisyon noong 2021 na itinanghal sa San Diego, California, sa Estados Unidos.

Si Cristina na ang ikaapat na reynang ginawaran ng naturang pagkilala, na unang nakuha ng kapwa niya aktres na si Patricia Javier noong 2019 na ngayon ay siya ng national director para sa Pilipinas, at siya ring tumatayong internatio­nal director ng patimpalak.

Hinirang ding “Ambassador Queen of Humanity” si Cristina, na kumatawan sa Visayas sa taunang pagtatangh­al. Dalawang Pilipina pa ang umani ng titulo, sina Leira Buan mula Mindanao na kinoronaha­ng Noble Queen Internatio­nal, at Sheralene Shirata mula Luzon na hinirang bilang Noble Queen Earth.

Itinanghal ding “Ambassador Queen of Respect” at Best in Long Gown si Buan, habang “Ambassador Queen of Environmen­t” at Best in National Costume naman si Shirata.

Kinoronaha­ng Noble Queen Globe si Yuko Noguchi mula Saitama, Japan, na hinirang din bilang “Ambassador Queen of Health and Wellness,” habang Noble Queen Tourism naman si “Ambassador Queen of Integrity” Jenny Migliorett­o mula Japan.

Itinanghal naman bilang Noble Queen of the Universe Ltd. ang Filipino-American na si Marjorie Renner na kumatawan sa Estados Unidos, na “Ambassador Queen of Goodwill” at Best in Active Wear din.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines