Daily Tribune (Philippines)

TAPOS NA ANG LIBRENG SAKAY

-

Nitong nakaraan ay inanunsyo ng Land Transporta­tions Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na tapos na ang operasyon ng 24/7 Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contractin­g Program Phase 3.

Hindi maikakaila­ng talagang maapektuha­n na ang mga pasahero sa pagpasok ng taon dahil kailangan na muling magbayad ng pamasahe sa mga bus ng EDSA Carousel mula PITX hanggang Monumento at vice versa.

Mag-o-operate na ngayon ang EDSA Busway sa ilalim ng Fare Box Scheme gamit ang Fare Matrix na aprubado ng LTFRB.

Batay sa fare matrix na ito, 15 pesos ang minimum na pasahe sa bus, 12 pesos sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability. Habang aabot naman sa 76 pesos ang kabuuang pamasahe mula PITX hanggang EDSA Monumento, at may 20 percent discount para sa mga senior citizen, estudyante at PWDs.

Nasa kabuuang 550 Public Utility Bus (PUB) mula sa dalawang consortia ang tatakbo at maaring mag-operate sa EDSA Busway.

Samantala, nakasaad din sa Board Resolution ng LTFRB na lahat ng PUB units na bibiyahe sa EDSA Busway ay kailangan mag-apply ng Fare Matrix/Guide upang makasingil ng pamasahe sa mga pasahero.

Nagpaalala naman ang ahensya sa mga PUB drivers na sumunod sa mga polisiya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Panibagong kalbaryo na naman ito para sa ating mga kababayan na talagang hirap na sa paghahanap nang makukunan ng kikitain lalo ngayong nagtataasa­n pa rin ang mga presyo ng mga pangunahin­g bilihin.

Pero wala naman tayong ibang magagawa kundi maghigpit pa ng sinturon kahit kapapasok pa lamang ng Bagong Taon at manalangin na mabigyan na ng solusyon ng pamahalaan ang mga isyung ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines