Daily Tribune (Philippines)

IMMIGRATIO­N, MAGBIBIGAY NG GRACE PERIOD

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inanunsyo ng Bureau of Immigratio­n (BI) na magbibigay ito ng “grace period” sa mga dayuhang naapektuha­n ng nangyaring aberya sa mga paliparan noong Enero 1, 2023.

Ayon sa abiso ng ahensya, papaliwigi­n nito anvalidity ng mga Emigration Clearance Certificat­e o ECC ng mga apektadong banyaga sa bansa.

“‘Yung mga naapektuha­n na mga dayuhan dahil sa nangyaring cancellati­on noong January 1 at mga sumunod na araw, kung ang kanilang mga visa ay nag-expire na…nagpalabas si Commission­er Norman Tansingco ng advisory [na] magkakaroo­n ng waiver... na hanggang January 12 ay io-honor namin [basta’t] ipakita lang nila ang kanilang ticket na nakansela noong January 1 or onwards at ang kanilang boarding pass,” saad ni BI Spokespers­on Melvin Mabulac.

Ang mga dayuhang lalagpas naman umano sa deadline na ika-12 ng Enero ay kailangan nang magpakita ng updated na visa para hindi magkaroon ng aberya sa kanilang pag-alis sa Pilipinas.

Inihayag naman ni Mabulac na ang naranasang pagdagsa ng mga paalis na pasahero sa NAIA Terminal 3 nitong Miyerkoles ng umaga ay maituturin­g na normal pa rin dahil sumabay ang mga recovery flights.

“Nakita natin ang mahabang pila kaninang umaga, ‘yun po ay resulta ng pagkasabay-sabay ng ating regular flights at ng ating recovery flights. Nangyari po ito dahil sa mga nangyaring cancellati­ons natin due to the January 1 technical problem,” paliwanag ni Mabulac.

Nilinaw rin ni Mabulac na mayroon silang sapat na bilang ng mga immigratio­n personnel sa airport para sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong apektado ng nangyaring aberya nitong Bagong Taon.

“Fully manned po tayo kanina... mayroon po kasi tayong backup na mga immigratio­n personnel na kinuha natin sa ibang units natin. Kung mayroon mang mga tao tayo na hindi nakapasok, automatic po ‘yan may hahalili po sa kanila,” dagdag pa ni Mabulac.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines