Daily Tribune (Philippines)

EHRA MADRIGAL, NAGPARAMDA­M

- NI JOY ASAGRA

Muling nakita sa vlog ng kanyang kapatid ang dating aktres na si Ehra Madrigal — ang nakatatand­ang sister ni Michelle Madrigal na nagdesisyo­n ding magpaalam sa mundo ng showbiz noong kasagsagan ng kanyang career ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Kung matatandaa­n, nakagawa si Ehra ng ilang teleserye sa GMA 7 at naging cover girl din noon ng FHM pero bigla na lang niyang iniwan ang showbiz at namuhay ng normal at simple kasama ang kanyang asawa at pamilya.

Inamin ng dating aktres na may mga pagkakatao­ng nami-miss din niya ang kanyang pagiging artista dahil mahaba-haba ring panahon ang iginugol niya rito.

“Actually nakaka-miss naman talaga siya. For me kasi, before it was a creative outlet plus I was very passionate about it,” pahayag ng aktres.

Ayon pa sa kanya, noong una raw talaga ay hindi siya totally motivated sa pag-aartista hanggang sa nag-grow na yung passion niya bilang aktres lalo na noong makatrabah­o na niya ang ilan sa mga premyado at respetadon­g aktor.

“Noong una siyempre, noong parang first year siyempre parang bago pa lang. Feeling ko ay okay I will earn. Hindi ka pa motivated. Then of course, noong tumatagal na, na-in love ako doon sa craft. Plus outlet mo siya like especially tayo, very emotional,” sabi ni Ehra.

Ibang-iba raw ang ipino-project ni Ehra sa harap ng mga camera sa tunay niyang personalid­ad, lalo na pagdating sa pagpapasek­si.

“Ang ganda na meron kang nagagawang iba. Ako normally, mahiyain talaga ako. As Geralyn, pero as Ehra Madrigal, because nag-iiba ako ng character, hindi ako ‘yun. Nami-miss ko siya,” saad ni Ehra.

“Manang ako. Sobra. So nagulat lahat na oh my gosh si Ehra bakit naggaganya­n? Feeling ko ibang tao talaga ‘yun, hindi ako ‘yun,” dagdag pa niya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines