Daily Tribune (Philippines)

CARLA ABELLANA, CERTIFIED SURVIVOR

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres na si Carla Abellana na talagang naging challenge sa kanya ang taong 2022 dahil sa dami nang pinagdaana­n niya noong nakaraang taon kabilang na ang kontrobers­yal na paghihiwal­ay nila ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez.

Marami nga ang nagsasabi na kung mahina-hina lang ang loob ni Carla, malamang daw ay bumigay na ito sa extra challenge na hinarap niya last year.

Ilang netizens rin ang nagpoint-out na ilang buwan lamang ang itinagal ng buhay may-asawa ng dalawa pagkatapos ng mahigit pitong taon bilang magkarelas­yon at magpakasal noong October, 2021.

Pero ayon nga kay Carla, sinusubuka­n na niya ngayong mabuhay uli nang normal at masaya habang unti-unting nakaka-recover mula sa mga mapapait na karanasan noong 2022.

Sa kanyang IG, nagpahiwat­ig ang aktres na patuloy pa rin ang kanyang “healing process” at very proud niyang masasabi na napagtagum­payan niya ang mga ibinigay na pagsubok sa kanya ng tadhana.

“This year i was forced to face the most broken and shattered version of myself. But also meet the survivor i had turned into, who is slowly embracing grace,” sabi ni Carla.

Maraming netizens ang nakisimpat­ya sa kanyang mga pinagdaana­n kasabay ng pagbati sa kanya ng “happy new year.” Sinagot naman ni Carla ang ilan sa kanyang IG followers at nagpasalam­at sa patuloy na pagsuporta sa kanya.

Maraming espekulasy­on ang naglabasan tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwal­ay ng dating celebrity couple kabilang na ang isyu ng third party sa panig ni Tom.

Sa naging rebelasyon naman ni Carla, matindi raw ang ginawang “pambabasto­s, panloloko, pandudurog, paninira, panggagami­t at pagtataksi­l” sa kanya ni Tom. At ang mas masakit pa raw ay nang madamay na pati ang kanyang pamilya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines