Daily Tribune (Philippines)

HUSTISYA ANG PANAWAGAN

-

Nitong nakaraan ay naiulat ang pagpaslang sa negosyante at modelong si Yvonette Plaza kung saan isang riding in tandem ang bumaril sa kanya sa labas ng kaniyang bahay ang biktima noong nakaraang linggo sa Davao City.

Ang pagpaslang sa dalaga ay mariing kinondena ng kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan at panawagan ng kanyang inang si Henrietta na bigyan ng hustisya ang kaniyang anak.

“Sana mabigyan ng hustisya si Yvonne para maging panatag din siya at kami rin na mga magulang niya,” sabi ng ina ni Yvonne.

Inilarawan ni Henrietta mapagmahal at mapagbigay ang kaniyang anak.

“Generous, understand­ing at truthful sa aming pamilya at sa kaniyang mga kaibigan,” paglalaraw­an pa ng ginang kay Yvonette, na pangatlo sa apat na magkakapat­id.

Ang kapatid ni Yvonette na si Fritzi, sinabing labis silang nabigla sa mabilis na pangyayari at hindi nila inaasahan na sa ganoong paraan magtatapos ang buhay nito.

Ang kaibigan naman na si Atty. Arnel Gonzales, inilarawan si Yvonette na masayahing tao, “life of the party,” at mahal ng lahat kaya naman ikinagulat umano nila ang nangyari sa kaibigan.

Ayon naman kay Henrietta, may mga maling impormasyo­n na lumabas sa social media tungkol sa kaniyang anak.

“Alam ko hearsay yung mga sinasabi niya. Yung iba hindi naman totoo pero pinalabas nila na ganun negative. Ako hindi man ako marunong magkuwan... mga Facebook wala akong alam d’yan,” saad niya.

Patuloy ang isinasagaw­ang imbestigas­yon ng pulisya para matukoy ang mga pumaslang kay Yvonette.

Nag-alok na ang pulisya ng P1 milyong pabuya sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n sa makapagtut­uro sa pagkakakil­anlan ng riding in tandem na pumaslang sa biktima.

Kabilang sa tinitingna­n motibo ng pulisya sa krimen ang personal na away at negosyo.

Isang buhay na naman ang nawala dahil sa krimen, kaya kaisa kami ng pamilya ni Yvonne na nanawagan para sa hustisya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines