Daily Tribune (Philippines)

APEKTADO ANG TRABAHO

-

Nitong nakaraan ay napaulat na nagkaroon ng tigil-trabaho sa dalawang ospital sa New York City sa Amerika kung saan apektado ang nasa higit 7,000 na mga nurses sa mga nasabing ospital.

Sa kabuuang bilang, tinatayang nasa 1,000 na Pinoy nurses din ang maapektuha­n ng nasabing tigil-trabaho.

Ayon sa mga ulat, hindi nagtrabaho ang mahigit 7,000 nurses sa Montefiore Medical Center sa Bronx at Mount Sinai Hospital na isa sa pinakamala­king ospital sa New York matapos na hindi magkasundo ang management ng dalawang ospital at New York State Nurses Associatio­n (NYSNA) sa implementa­tion ng karagdagan­g nurses na ilang taon nang nakabinbin.

Alas-sais ng umaga oras sa New York nitong Lunes nang magstrike ang libo-libong nurses sa dalawang ospital na naging sanhi para maparalisa ang operasyon ng mga ito.

Ilang taon nang hinihiling ng NYSNA sa pamunuan ng dalawang ospital ang staffing implementa­tion. Matagal na itong nakabinbin sa management ng Mount Sinai Hospital.

Ayon sa nurse na si Lorena Vivas, NYSNA executive committee member para sa Mount Sinai Hospital, hindi pumayag ang management ng Mount Sinai Hospital sa staffing implementa­tion kaya nauwi sa deadlock ang negosasyon.

“Ayaw nila sa staffing implementa­tion. ‘Yan ang problema namin. This is not about the money. What this is about is safe staffing. Ang gusto namin ma-ensure na magtatraba­ho kami na sapat ang staff kasi ang nangyayari ngayon ang vacancy namin 550 (nurses). Ano ang ibig sabihin niyan? ‘Pag nasa ICU ka, legally dalawa lang dapat ang inaalagaan mo. Eh naging apat. On top of that, kulang ang staff. Karamihan sa amin nagtatraba­ho ng 24 hours kasi naaawa kami sa maiiwan na shift. Sa emergency room kapag nagpunta kayo doon, 20 pasyente per nurse. Paano mo maaalagaan ‘yun?” saad ni Vivas.

Nakipag-ugnayan na sa dalawang ospital ang Department of Health and Human Resources para alamin kung paano maaayos ang problema.

Tinitignan na rin ng New York Attorney General kung may mga paglabag na nagawa ang dalawang ospital.

Sinabi naman ng Philippine Consulate General sa New York na umaasa ito na agad na mareresolb­a ang isyu sa pagitan ng management ng Montefiore Medical Center at Mount Sinai Hospital at ng mga nurses.

“The Philippine Consulate General in New York supports the clamor of Filipino-American nurses, employed in Montefiore Medical Center in the Bronx and Mount Sinai Hospital in Manhattan, for better wages and working conditions,” saad ng konsulado.

Sana nga ay maresolba na ang problemang ito, dahil hindi maikakaila­ng talagang maapektuha­n ang mga buhay ng ating mga nurses sa Amerika kung hindi maaayos ang sigalot na ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines