Daily Tribune (Philippines)

JULIA MONTES, PINURI

- NI JOY ASAGRA

Easy to work with — iyan ang descriptio­n ng direktor na si Richard Somes sa nagiisang female lead star ng pelikulang “Topakk” na si Julia Montes at kahit ang mga kasama ng dalaga sa pelikula ang walang masabing hindi maganda sa kanya.

Kahit ang buong production na sa mahigit 20 days nilang nakasama ay ni minsan walang narinig na angal kahit nagkasugat-sugat na ang dalaga dahil sa mararahas na eksena.

Hard action kasi ang “Topakk” na pinangungu­nahan ni Quezon City First District Rep. Arjo Atayde kasama sina Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Kokoy de Santos, Sid Lucero at iba pa produced ng Nathan Studios at Strawdog Production­s.

Natapos ang pelikula nitong Enero 6 at todo pasalamat si direk Richard kay Julia na idinaan nito sa Cornerston­e Management.

“Please Kindly send my deepest appreciati­on to Julia. She is such an inspiring actress to work with. I’m in awe of her from her character to her personalit­y and her dedication and craft in her work. She is a pearl under the deepest sea. And like pearls, she is just so special that needs to be dived in into the middle of the vast ocean. Never did I work with someone so radiant in spirit, and beautifull­y represente­d naturally on and off the camera. And her contagious soothing and vibrant personalit­y lit up the sky even if its gloomy and casted grey,” sabi ni Direk Richard.

“A one of a kind actress. An amazing woman. A Beautiful soul. Truly amazing. An astonishin­g human being. Simply Julia,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuya­n ay pahinga muna si Julia at waiting siya sa go signal ng malaking pelikulang gagawin din niya ngayong 2023 kasama ang isa pang malaking artista.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines