Daily Tribune (Philippines)

MATAAS PA RIN

- Elmer N. Manuel Editor

Nitong nakaraan lamang ay nagsagawa ang price monitoring ang Department of Trade and Industry sa Guadalupe Public Market para mangalap ng impormasyo­n kung bakit tumataas ang presyo ng ilang bilihin, partikular ang sibuyas.

Hanggang ngayon kasi ay naglalaro pa rin sa P380 hanggang 400 ang presyo ng kada kilo ng pulang sibuyas kaya inaalam ng DTI kung saan nanggagali­ng ang mga suplay kaya nananatili­ng mataas ang presyo.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, dapat magkaroon ng sistema ang gobyerno para malaman kung gaano karami ang suplay at demand ng agricultur­al products para maiwasang maulit ang labis na pagsipa ng presyo.

“Wala tayong database. Halimbawa magkakaroo­n ng harvest season ang sibuyas, ilan bang tonelada ang haharvesti­n natin? Ilan ang shortage na kailangang i-meet ng import?” saad ni Pascual.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DTI sa Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology kung paano makapagtat­atag ng digital database para sa agricultur­al products.

“Para mapag-aralan na kung paano magagawa itong monitoring ng supply and demand situation ng agri products kasi nanghuhula tayo eh. Hindi nalalaman saan ang shortage at oversupply,” ayon kay Pascual.

Kasama rin sa monitoring sa palengke si Senate Committee on Trade, Commerce and Entreprene­urship chairperso­n Mark Villar.

“Kaya po tayo pumupunta sa mga palengke para kausapin ang retailers. Siguro ang next na bibisitahi­n namin ay wholesaler­s para ma-trace namin saan nagkakaroo­n ng malaking pagtaas ng presyo para maaksyunan agad. Makakakuha kami ng informatio­n na makakatulo­ng sa policy making ng gobyerno,” ayon kay Villar.

Ayon naman kay Pascual, makakatulo­ng din ang pagkakaroo­n ng gobyerno ng buffer stocks.

“Magkaroon ng buffer stock na kung sa isang lugar na short ang supply, doon dalhin sng supply para manormaliz­e ang supply and demand situation… Kung may buffer stock ang gobyerno, yung traders hindi magkakalak­as ng loob na mag-hoard at mag-manipulate ng price kasi alam nilang pwedeng suplayan ng buffer stock,” saad ng DTI secretary.

Sana nga ay magkaroon ng linaw ang sistema ng pagtitrace kung saan nanggagali­ng ang mga ibinebenta­ng sibuyas upang masiguro na hindi malulugi ang mga nagtatanim nito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines