Daily Tribune (Philippines)

JODI STA. MARIA, SUPER HAPPY

- NI JOY ASAGRA

Masayang ibinalita ng aktres na si Jodi Sta. Maria na at home na ang kuting na inampon ng aktres na napulot niya sa Ninoy Aquino Internatio­nal Aiport nitong nakaraan.

Nag-post kasi sa social media ang award-winning actress at ibinahagi ang masayang update tungkol dito.

Sa isang tweet, makikita ang selfie nina Jodi at Naia, pati na rin ang eksena na naglalaro pa sa cellphone ang pusa.

Kwento nga ni Jodi na ang bilis lumaki ni Naia at komportabl­e na ito sa kanyang bahay.

“Good morning friends from me and Naia (white heart emoji) He’s growing fast and getting comfy here at home,” tweet ng aktres. “He also enjoys playing cat games on my phone. Current favorite spot : my shoulder.”

Ilang araw lang ang nakalilipa­s nang umani ng papuri mula sa netizens ang aktres matapos iuwi ang isang umiiyak na kuting sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport o NAIA.

Sa kanyang Twitter account ay ipinost ni Jodi ang larawang nasa kandungan niya ang kuting habang nakatingin sa kanya na tila nagpapasal­amat dahil kinuha siya habang nababangga siya ng mga push cart sa airport.

Ang tweet ng best actress sa nakaraang Asian Academy Creative Awards sa Singapore, “Poor kitty now has a new home. Found this kitten at the airport.

“She kept meowing as if asking for humans to feed and help her. It was raining too so she must have been cold. Kawawa ‘coz nababangga siya ng cart ng passengers. Napagalita­n pa ako ng isang pasahero.

“Kasi pinigilan ko ‘yung cart n’ya kasi nga madadaanan ‘yung kuting. But I super understand naman kasi everyone was rushing to get home from their flights.

“Sabi ko lang ‘Manong pasensya na po may pusa po kasi.’ Then he told me ‘wag n’yo kasing iwan kung saan-saan alaga nyo.’

“Then he (kitten) stormed off. In my head, ‘hindi ko siya alaga… magiging alaga pa lang.’ So I got her, took her home and named her Naia, pronounced as Na-ya kasi sa NAIA Terminal 1 ko siya nakuha.

“Now, she’s safe with us. Scheduled na rin for a vet visit. Ayun lang konting story time,” pahayag ni Jodi.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines