Daily Tribune (Philippines)

WALANG LUSOT

-

Kamakailan ay may naiulat na isag German vlogger na naaresto ng mga otoridad dahil umano sa pagsasaman­tala at panloloko sa isang menor de edad na babae, na pinalabas umano niyang pick-up girl sa kaniyang online content.

Ayon sa 17-anyos na biktima, kinumbinsi raw siya ng suspek na sumunod sa script nito para sa “Jowa Challenge,” na gagawing content sa social media.

Pero nagulat siya nang lumabas ang video na pinalabas siyang single-mom na pick-up girl. May video rin ang dalawa sa loob ng isang motel.

Giit naman ng dayuhan, hindi niya alam na menor de edad ang babae. Wala rin daw siyang ginawang masama sa kaniyang vlog.

Pero ayon sa ilang mga eksperto sa batas, hindi maaaring gawing dahilan ng isang vlogger na “for show” o para lang sa content online ang kaniyang ginawa kapag nagkaprobl­ema sa batas.

Kasama umano ito sa probisyon ng AntiVoyeur­ism Law na kahit na may consent o pumayag ang isang babae na kukunan siya ng video, ay hindi naman iyon awtomatiko­ng ppayag na rin ang babae na ipakita ang video sa buong mundo sa pag-upload sa internet o social media.

Ayon pa sa mga eksperto, kahit na pumayag sa paggawa ang isang indibidwal sa content ng video, hindi ito manangahul­ugan ng consent o pagpayag sa rape o iba pang sexual assault.

Dahil menor de edad ang biktima, mayroon na agad na posibleng kasong kaharapin ang vlogger sa ilalim ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

Pero paglilinaw nila, babala lamang ang ito sa naturang isyu dahil dapat pa ring tingnan nang mabuti ang bawat detalye sa isang paglilitis.

Sana ay magsilbing babala na ito sa mga nais magsamanta­la sa mga menor de edad upang wala nang mangyaring kaparehong insidente.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines