Daily Tribune (Philippines)

TAYLOR SWIFT, RUMARATSAD­A

- NI JOY ASAGRA

Umani ng papuri ang kantang “Anti-Hero” ng internatio­nal pop singer na si Taylor Swift dahil nanguna ito sa “Billboard Hot 100 Charts” matapos maungusan ang holiday song ng iconic singer na si Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You” na tila naging unbeatable noong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon sa Billboard, nakuha ng “Anti-Hero” nitong December 30, 2022 hanggang January 25 ang 83.8 million radio airplay audience impression­s, 17.2 million streams at 6,000 units sold.

Dahil daw diyan ay napantayan na nito ang isa pang single ng pop singer na “Blank Space” na may pinakamara­ming bilang ng pagiging number one sa “Hot 100.”

“As ‘Anti-Hero’ tops the Hot 100 for a seventh week, Swift matches her longest reign: ‘Blank Space’ dominated for seven frames in 2014-15,” sey ng American music magazine.

Matatandaa­ng ni-release ang “Anti-Hero” noong nakaraang taon kasabay ng latest studio album ni TayTay na may titulong “Midnights.”

Ayon sa singer, ang nasabing kanta ay tungkol sa depresyon at anxiety.

Samantala, abangers na ang ilang fans sa nakatakdan­g gagawing pelikula ng pop singer.

Noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng Walt Disney co-owned production company na “Searchligh­t Pictures” na sasabak na rin sa pagiging film director si TayTay, pero hanggang ngayon ay wala pang detalye na inilalabas tungkol dito.

Nauna nang sinabi ng Searchligh­t Pictures na ang singer mismo ang sumulat ng gagawing pelikula.

Sinabi din ng production company na lubos silang natutuwa na makatrabah­o ang pop icon.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines