Daily Tribune (Philippines)

SANA’Y MALIWANAGA­N

-

Nitong nakaraan ay inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na may nakikita na silang “breakthrou­gh” sa kaso ng 34 na nawawalang mga sabungero dahil sa potensiyal na mga saksi na nakatakda niyang kausapin.

Ayon sa kalihim, maaaring makapagbig­ay linaw na umano sa mga pagdududa ang posibleng mga saksi na kakausapin niya sa susunod na linggo.

“We have one breakthrou­gh coming in the next 10 days,” sabi ni Remulla. “I have a meeting set for next week to discuss with potential witnesses...it would put to rest many of the doubts that we have.”

Sa kabila nito, nilinaw ni Remulla na hindi pa rin magiging madali na matukoy ang utak sa pagkawala ng mga biktima.

“The identifica­tion of a mastermind is not as easy...because it has to be proven by the same iota of evidence needed especially to convict somebody,” paliwanag niya.

Ipinaliwan­ag din ni Remulla sa pamilya ng mga nawawalang sabungero ang implikasyo­n sa kaso ng paggamit ng salitang “dead sabungeros” sa halip na “missing.”

“Sa civil code, mayroon tayong na pitong taong nawawala pero hindi ho pwedeng i-apply ‘yan sa criminal cases...kasi ‘pag sinabi mong missing parang hilaw ang pagtimpla ng kaso na puwedeng i-file,” saad ni Remulla.

Isasampa na ng DoJ sa Manila Regional Trial Court ang kaso sa nawawalang si John Claude Inonog at limang kasama niya, na six counts ng kidnapping at serious illegal detention cases laban sa anim na security personnel ng Manila Arena.

May hiwalay na kaso na rin na isinampa ang DoJ na kidnapping laban sa tatlong pulis kaugnay naman sa pagkawala ni Ricardo Lasco.

Sana nga ay malinawan na ang kasong ito na halos taon na rin ang inaabot dahil nais nang malaman ng mga kapamilya ng mga nawawala kung ano na talaga ang nangyari sa kanila.

Dalangin namin na mabigyan na ng linaw ang kasong ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines