Daily Tribune (Philippines)

BELA PADILLA, NABIKTIMA

- NI JOY ASAGRA

Inamin ng aktres na si Bela Padilla na naranasan na niyang ma-“ghosting” — na ang ibig sabihin ay nagdi-date sila ng guy na pinaasa lang siya dahil pagkatapos ay hindi na ito nagpakita.

Ayon sa dalaga, umasa siya noon pero tuluyan nang nawalan na sila ng komunikasy­on at wala nang nakikitang post si Bela sa kanyang social media tungkol sa guy.

Pero naging maganda naman ang hindi na pagkikita nina Bela at nu’ng guy dahil sa work niya itinuon ang atensyon niya, kaliwa’t kanan ang projects niya, nagsulat ng script hanggang sa nangibang bansa at doon niya nakilala ang kanyang love of her life ngayon na si Norman Bay na mahigit dalawang taon na sila.

Pauwi-uwi ng bansa si Bela kapag may project siya sa Viva Films at kapag walang gagawin ay babalik siya ng UK para makasama si Norman.

Sa pagpasok ng 2023 ay pinost ni Bela sa kanyang Instagram account ang mga happy moments nila ni Norman na kung saansaang bansa sila nakarating.

“Let’s start this year with a bang and a quick trip down my 2022 memory lane. From London to Switzerlan­d to France to Italy back to Switzerlan­d to Dubai back home to London to my sweet Manila to London to Germany to Italy to London to Norway to Switzerlan­d to Paris back to London to Manila to South Korea to London to Switzerlan­d to Paris to London to Switzerlan­d and now home in London. It was one heck of a ride. Not forgetting the stopovers, in airports…and in life,” saad ng dalaga.

Ipinaliwan­ag ni Bela kung bakit pabalik-balik siya sa mga bansang binanggit niya dahil ang karamihan ay work related at pagbisita nito sa mga kaibigan at kaanak.

“There were personal trips and then there were work ones. There were movies watched from home, from the cinema from premieres and from my monitor as I was filming them. There were friends I visited and friends I welcomed into my home. There were new cities visited and old ones revisited to feel somewhat home,” sabi ni Bela.

“There were days I knew exactly what I was doing but more where I was afraid of making major decisions. There are new films, platforms, projects to watch out for…some, intimate, others…so surreal that I still can’t believe them. There were tears of frustratio­n but more and more hours of belly laughs…the kind where I can’t make any sound anymore and I have to remind myself to breathe,” dagdag niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines