Daily Tribune (Philippines)

ZEINAB HARAKE, APEKTADO NA

- NI CHERIEL LAZO

Aminado ang social media influencer na si Zeinab Harake na nasasaktan at naaapektuh­an din siya nang matitindin­g pamba-bash ng mga taong walang alam gawin sa buhay kundi ang mangnega. Ayon pa sa kanya, dumating din siya sa point na gusto na niyang i-delete ang lahat ng kanyang social media accounts dahil hindi na niya kayang sikmurain ang pambabasto­s ng mga haters. Sa kanyang latest vlog, inamin ni Zeinab na ilang beses na niyang binalak na tanggalin na at tapusin na ang kanyang YouTube channel dahil sa pagiging toxic ng socmed.

May mahigit na 13.3 million subscriber­s na siya sa kanyang YouTube channel at itinuturin­g na isa sa most followed content creators sa Pilipinas.

“Meron akong moment na gusto kong i-delete yung channel ko. Sabi ko, ayaw ko ng (social) media. Sobrang toxic na nito. Hindi ko na alam paano iexplain nang paulit-ulit yung sarili ko,” pag-amin ni Zeinab.

Ngunit dahil daw sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuport­a sa kanya at sa mga netizens na nagtatangg­ol sa kanya, na-realize niya na mas may malalim at bonggang rason kung bakit kailangan niyang ipagpatulo­y ang kanyang vlogging career. “Sa mga Zebbies ko, simula noong 2019 hanggang sa nag stay kayo noong 2022, maraming maraming salamat. Hindi niyo alam kung paano ko kayo tinignan nung mga times na gusto kong sumuko,” sabi ni Zeinab.

“Kung hindi dahil sa inyo, this 2023 wala na kayong videos na mapapanood, kung hindi niyo [ipinareali­ze] sa akin na ‘ganyan ka tignan ng mga tao, okay lang, nandito kami para sa ‘yo,’” dagdag niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines