Daily Tribune (Philippines)

PAPAYAGAN PA RIN

-

Nitong mga nakaraan ay naglabas na ang mga mangingisd­a na dumadayo malapit sa West Philippine Sea ng kanilang saloobin kaugnay sa mga hinaing nila na hindi na sila makapangis­da sa mga teritoryon­g alam nilang sakop pa ng Pilipinas.

Ayon sa ilang mga mangingisd­a, hindi na umano sila nakakahuli ng isda gaya ng dati sa mga nasabing lugar dahil sa pangambang sisitahin sila ng mga Chinese Coast Guard.

Pero nitong nakaraan ay inihayag Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilang bahagi ng kasunduan ng Manila at Beijing, hindi umano pipigilan ng China ang mga Pinoy na mangisda sa kabila ng usapin ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

“Actually, I don’t know how the word partnershi­p started to be used. It’s really an agreement that you will... that China will not stop our fishermen from fishing,” paglilinaw ni Marcos sa mga mamamahaya­g habang patungo sa Davos, Switzerlan­d para dumalo sa World Economic Forum (WEF).

Ginawa ni Marcos ang pahayag nang tanungin tungkol sa sinabi noong nakaraang linggo ng nagbitiw na si National Security Adviser Clarita Carlos, na sinusuri ng pamahalaan ang mungkahing partnershi­p ng China sa Philippine fishing villages.

“They (China) will continue to allow our fishermen to fish in the fishing grounds that they have been to, they have used for many generation­s. That’s it. It’s that simple,” giit ng Pangulo.

Kung matatandaa­n, nagsagawa si Marcos ng three-day visit sa China noong Enero 3 hanggang 5, at kabilang sa mga tinalakay niya kay President Xi Jinping ng China, ang usapin ng mga Pinoy na nangingisd­a sa West Philippine Sea.

Ayon kay Marcos, nangako si Xi na “that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds.”

Nagkaroon din umano ng kasunduan ang dalawang bansa na bubuo ng isang communicat­ion mechanism sa maritime issues na kabibilang­an ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China.

Sana nga lamang ay talagang matupad ang kasunduang ito, dahil hindi birong hirap na ang nararanasa­n ng ating mga mangigisda lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahin­g bilihin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines