Daily Tribune (Philippines)

NADINE LUSTRE, MAY REALIZATIO­N

- NI JOY ASAGRA

Nagkaroon ng realizatio­n ang aktres na si Nadine Lustre matapos niyang manalo bilang best actress sa 2022 Metro Manila Film Festival at dahil sa naging success ng kanyang pelikulang “Deleter.”

“Para siyang panaginip. Kasi nga I guess, hindi rin sanay. Parang bago rin kasi. Tapos ang ganda rin po talaga ng mga nangyayari sa Deleter kaya ang hirap din pong i-digest,” pahayag ng dalaga.

Bukod sa titulong Box-Office Queen ay tinatawag na rin siya ngayong bagong “Horror Queen”. Reaksyon ng aktres hindi raw talaga niya inaasahan ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng “Deleter”.

“Wala po talaga, hindi po namin siya inintend na MMFF. Parang nasabi na lang po sa amin na ilalagay sa MMFF, parang last two days ng shoot namin, hindi po talaga,” sabi ni Nadine.

Samantala, nasabi rin niya na after doing “Deleter” at sa pagsuporta ng mga Filipino sa MMFF entry nila, na-realize niyang nasa showbiz talaga ang isip at puso niya at ang pag-arte na ang buhay niya.

“I think naman if it’s something na lagi mong ginagawa, in a way, magsasawa ka din o mawawala rin ang passion mo sa isang bagay lalo na kung paulit-ulit na siya. At saka medyo exhausting din kasi siya. Medyo nawala siya but I’m happy na nahanap ko ulit yung passion ko sa acting,” saad ni Nadine.

“Para rito talaga ako, pero may mga times na ayoko nang umarte, ayoko nang mag-artista. Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Gusto ko na lang mag-business or outside showbiz. I guess, ito lang talaga ‘yung para rito talaga ‘ko and mas na-realize ko pa siya na gustong-gusto ko siyang gawin. Before sige, gawan natin ng project. Pero ngayon, mas passionate ako ngayon,” pagamin pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines