Daily Tribune (Philippines)

KYLIE PADILLA, THANKFUL

- NI JOY ASAGRA

Abot-abot ang pasasalama­t ng aktres na si Kylie Padilla sa aktor na si Gerald Anderson at sa lahat ng nakatrabah­o niya sa romantic drama na “Unravel”.

Bukod umano kasi sa napakarami niyang natutunan sa mga bagong na-experience habang ginagawa ang nasabing pelikula ay na-overcome pa niya ang ilan sa mga kinatataku­tan niya sa buhay.

Kinunan ang “Unravel” sa Switzerlan­d kung saan gumaganap si Kylie bilang si Lucy katambal ang Kapamilya hunk na si Gerald playing the character of Noah.

Ayon kay Kylie, alam niya kung gaano kahalaga sa kanya ang nasabing project dahil bukod sa first time niyang gagawa ng movie with Gerald, ito rin ang unang pagkakatao­n na nakapag-shoot siya sa Switzerlan­d.

“Nagkaroon ako ng maraming empathy sa journey ni Lucy, sa nangyayari sa kaniya and how she was feeling. Also, sobrang nakaka-endear din yung love story nila ni Noah kaya sobrang na-attach ako agad kay Lucy. I wanted to give her the justice. I wanted to tell her story,” sabi ni Kylie.

At dahil din sa “Unravel”, napaglaban­an niya ang ilang fear niya sa buhay at ang nararamdam­ang anxiety.

“I’ve discovered that I am stronger than I thought. Kasi yung fear na hinarap ko for the skydiving, kakaiba siya kasi I feared for my life. Pero ayun nga, sobrang supportive ng mga kasama ko, si Gerald lalo. Nagtiwala ako sa kaniya. Sabi ko nga sa sarili ko, kapag nagawa ko ‘to, I’ll be stronger in conquering the obstacles in my life,” saad ng aktres.

“I still can’t believe that I made the movie. Because what really… I’ve been a supporter. I’ve watched their films. So it’s really an honor for me to be able to work with someone I admire. Until now. Until now, when I look at the poster, I can’t believe it. It was such an honor because I just observed how he works and I’ve learned a lot,” dagdag pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines