Daily Tribune (Philippines)

MAY PANGAMBA PA RIN

-

Matapos ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na umano pipigilan ng China ang mga Pilipinong maghanapbu­hay sa West Philippine Sea, may ilang mga mangingisd­a pa rin ang ang nangangamb­a na hindi ito masusunod.

Nitong nakaraan lamang kasi, may ilang mangingisd­a ang nagsabing limitado lang ang pagkilos ng mga Pilipinong mangingisd­a sa Scarboroug­h Shoal sa West Philippine Sea.

“Ang pinapapaso­k lang nilang bangka doon, yung mga maliliit. Pero yung mga mother boat, na sa panahon kagaya ngayon na malakas ang amihan, malakas ang hangin---lalaki ang aalon, napaka-vulnerable pa rin nito doon sa mga mother boat na hindi makapagtag­o doon sa loob ng mismo ng shoal,” saad ng isang mangingisd­a mula sa Masinloc, Zambales.

Ang mother boat ay ang mga malalaking bangka kung saan isinasakay ng mga mangingisd­a ang mas maliliit nilang bangka at ang kanilang huli.

“Halimbawa, sumama po kami sa mother boat, yung mga maliliit na bangka, para isasakay para papunta doon, pagdating doon saka mangingisd­a, yung mga maliliit na bangka lang ang pwedeng makalapit,” ayon pa sa mangingisd­a. “Hindi ka makalapit doon hanggang mga 2 milya.”

Ayon pa sa kanya, sana ay mapatupad ng pamahalaan ang kanilang kalayaang makapaghan­apbuhay na muli sa mga katubigan ng Pilipinas.

“Malaking kawalan sa mga mangingisd­a yung pagkaano doon sa Sacrboroug­h dahil ito yung talagang malalaking pinagkukun­an natin ng mga iba’t ibang isda na, magagandan­g isda,” saad ng mangingisd­a.

Balido ang panawagan ng ating mga mangingisd­a, dahil ang karagatang nasasakop ng Pilipinas lamang ang maari nilang pagkuhanan ng kanilang ikabubuhay.

Sana lamang ay matugunan na ng pamahalaan ang nagpapatul­oy na problema na ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines