Daily Tribune (Philippines)

XYRIEL MANABAT, HINDI PA READY

- NI JOY ASAGRA

Maraming mga netizens ang nagulat sa bagong anyo ng dating child star na si Xyriel Manabat dahil talaga namang super sexy na ang dalaga, kaya naman hindi maiwasan na mapanganga at mapa-wow ang mga kalalakiha­n.

Rumampa si Xyriel sa nakaraang celebrity and press screening ng upcoming Kapamilya drama series na “Dirty Linen” na pinagbibid­ahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Isa ang dalaga sa miyembro ng supporting cast ng naturang serye na rumampa sa red carpet premiere na ginanap sa Trinoma Mall Cinema at kitang-kita namin ang reaksyon ng mga taong naroon.

Gulat na gulat ang mga nakakita sa Kapamilya actress dahil nga parang fresh pa sa kanila ang itsura noon ng former child star na napapanood nila sa mga serye ng ABS-CBN.

Kaya naman ang sabi ng young actress, gusto niyang ipakita sa madlang pipol na hindi na siya bata at handa na siyang mag-try ng iba’t ibang role na babagay sa kanya.

“Siguro po, hindi naman po sa pinaghahan­daang iba. Siguro iba lang siya kasi ‘yung nakasanaya­n po nila is ‘yung batang Xyriel so siguro ngayon, mas open and real na version ko po,” saad ni Xyriel.

Pero mariin niyang sinabi na hindi pa siya ready na tumanggap ng mga sexy roles sa teleserye at pelikula kahit pa medyo liberated na ang pananaw niya sa buhay.

“Hindi naman po siya liberated, more on hindi lang takot or conservati­ve as what with usual tradition po sa Filipino culture, pero hindi naman po sobrang liberated na wild talaga,” sabi ng dalaga.

Nabanggit din ni Xyriel na may mga natatangga­p siyang offer na gumawa ng sexy projects pero mabilis niya itong tinatanggi­han dahil feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganu’ng klase ng proyekyo.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines