Daily Tribune (Philippines)

FINAL DRAFT NG SINGLE TICKETING SYSTEM, INAPRUBAHA­N

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ng Metro Manila Council (MMC) na inaprubaha­n na ng mga Metro Manila mayors ang final draft para sa single-ticketing system na ipatutupad sa National Capital Region.

Nagkasundo ngayong Huwebes ang lahat ng mga mayor ng Metro Manila sa pagpapatup­ad ng single-ticketing system o ang sistema para sa iisa at malinaw na guidelines sa traffic violation at number coding sa rehiyon.

Sinabi ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora na walang miyembro ng konseho ang tutol sa pagpapatup­ad ng sistema.

Muli ring nagpulong ngayong Huwebes ang technical working group ng MMC kasama ang Metropolit­an Manila Developmen­t Authority at Land Transporta­tion Office (LTO) para plantsahin ang ilang pinal na detalye sa polisiya.

Partikular umano rito ang integratio­n ng database, na nangangail­angan ng IT (informatio­n technology) interventi­on at malaking hakbang para sa LTO na may hawak ng datos ng mga may driver’s license at registrati­on ng mga sasakyan.

Ipinresent­a rin ang final draft ng Metro Manila Traffic Code, ang memorandum of agreement ng LTO para sa interconne­ctivity sa mga local government unit, at draft ng MMC Resolution na naga-adopt sa Metro Manila Traffic Code.

“Wala namang problema sa ating mga mayors. It’s really just a matter of integratio­n. Paano ba ang proseso ng integratio­n? Mayroon bang kailangang bayaran ang mga LGU para mag-procure ng mga IT equipment o ‘yong actual integratio­n ng data, sino’ng maghahandl­e niyan?” ani Zamora ukol sa pulong.

Sa ilalim ng single-ticketing system, iisa na lang ang presyo ng penalty sa traffic violation at papayagan na ring mabayaran ang penalty sa pamamagita­n ng digital wallet o payment center. Hindi na rin umano kukumpiska­hin ang lisensiya.

Ayon kay Zamora, sa oras na maayos ang lahat ng detalye ay maaari nang pagbotohan ang resolusyon at maipatupad ang bagong sistema sa unang bahagi ng taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines