Daily Tribune (Philippines)

MGA ARAL NA NATUTUNAN

-

Nitong nakaraan lamang ay binigla ang buong mundo sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI at ayon sa mga nagbigay-pugay sa dating Santo Papa, maraming aral siyang ibinahagi lalong lalo na sa mga Pinoy na talaga namang sarado-Katoliko.

Sa pagtutok ng buong mundo sa libing ng yumaong Santo Papa noong ika-5 ng Enero, marami ang nalungkot at nakaramdam ng pagkaulila.

Kasama sa nagpaabot ng pakikipagd­alamhati ang mga Pilipino na dumalo sa Requiem Mass na pinamunuan ni Pope Francis at Cardinal Giovanni Battista, Dean of the College of Cardinals sa St. Peter’s Square.

Para sa mga Pinoy na pinalad na makadalo sa libing ng Santo Papa, hindi raw nila ito malilimuta­n habangbuha­y.

“Ang naalala ko kay Pope Benedict, tagos sa puso ‘pag nagsalita wala pong paligoy-ligoy yan,” sabi ng isang Pinoy na dumalo sa misa.

“The magnanimit­y of the experience is there and it makes you feel grounded. We have studied this and then we are experienci­ng it,” sabi ni Fr. Reupert Garcia, Archdioces­e of Capiz, student-priest.

“I came from an island in Sardinia. Being there is being part of the Catholic church. Being there means representi­ng my parish,” sabi ni Fr. Fritz Tohoy, Vice-Parish priest sa Sardinia.

Walang duda na malaki ang impluwensy­a at kontribusy­on ni Pope Emeritus Benedict XVI sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Kaya ang mga pari at seminarist­ang Pinoy, maraming binabalika­ng kuwento.

Matapos ang libing, nagkaroon ng maliit na pagtitipon ang mga pari at seminarist­ang Pilipino na nasa Italya sa opisina ni Amabassado­r Myla Macahilig sa Philippine Embassy, The Holy See.

Mula pa noong kanyang kabataan, ginugol na niya ang kanyang panahon sa paglilingk­od sa Panginoon. Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan siya ng mga malalalim na mga turo na nagpalapit pa sa maraming mananampal­ataya sa diyos at simbahan.

Naging Santo Papa ang Aleman at dating Cardinal Joseph Aloisius Ratzinger noong April 19, 2005. Siya ang ika-16 na Santo Papa na gumamit ng regnal name na ‘Benedict’ mula sa salitang Latin na “benidictus” na ang ibig sabihin ay “the blessed.”

Pinili niya ang pangalang ito bilang pagpugay kay Pope Benedict XV at Saint Benedict ng Nursia. Sa edad na 78 inihalal siya ng College of Cardinals kapalit ng namayapang Saint Pope John Paul II.

Nawa’y maisabuhay nating lahat ang diwa at aral na iniwan ni Benedict XVI tungo sa isang matiwasay at mapayapang buhay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines