Daily Tribune (Philippines)

KAILANGANG PALAWIGIN

-

Nananawaga­n ngayon ang Philippine Nurses Associatio­n (PNA) na kailangang palawigin ng gobyerno ang scholarshi­p program para sa mga PIlipinong nais mag-aral ng nursing matapos sabihin ng grupo na nakakaalar­ma na ang umano’y “pamimirata” ng mga Pinoy nursing students para mag-aral at kalauna’y magtrabaho sa ibang bansa.

“Katulad po ng sa atin pong medicine program, meron po silang doktor para sa bayan. Seemingly, sa ating Department of Health, yung ating scholarshi­p na ino-offer po, para sa pharmacy program, medical technology, midwifery at kasama po ang medicine. At wala po sa listahan ang atin pong programa na nursing,” saad ni PNA President Melvin Miranda.

Ayon kay Miranda, ipinahayag na ng Department of Health (DoH) na magkakaroo­n sila ng scholarshi­p program para sa mga nursing students.

“Pero ito po ay ii-implement pa for 2024,” dagdag pa niya.

Una nang naiulat na nag-aalok ng libreng tuition at board and lodging ang ilang mga bansa sa Europa sa mga Pinoy nursing students na nais magtrabaho doon bilang nars.

Ayon kay Miranda, maaaring magkaroon ng epekto ang ganitong sistema sa healthcare sector ng bansa.

“Alam naman po natin na nagpahayag po ang Department of Health that we are really need of 106,000 nurses as per World Health Organizati­on reference. Na we need to have 8 nurses for every 10,000 population,” saad ni Miranda.

“So I think yung ganitong agresibong pagpapalaw­ig pa ng scholarshi­p offering…ay somehow pwedeng magkaroon ng epekto in the future. Dahil po ang arrangemen­t is after they earn a degree, they will be assured of a job placement doon sa bans ana nagoffer ng scholarshi­p grant,” dagdag niya.

Sana lamang ay dinggin ng pamahalaan ang panawagan ng ating mga nurses, dahil hindi biro ang kanilang ginagawang trabaho para sa mga mamayan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines