Daily Tribune (Philippines)

MARIAN RIVERA, FEELING SEXY

- NI CHERIEL LAZO

Aminado ang aktres na si Marian Rivera na talagang feeling sexy siya kapag naglalambi­ngan sila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na nagiging seksi ang kanyang pakiramdam sa tuwing hinahalika­n daw ng kanyang asawa ang mga paa niya.

Sa isang bahagi ng programa ay naikuwento ng mama nina Xia at Sixto Dantes ang ilang mga kaganapan sa kanila ni Dingdong nang gawin nila ang Philippine adaptation ng Mexicanove­la na “Marimar” noong 2007.

At kahit nga 16 years na ngayon ang nakararaan mula nang magbida sila sa “Marimar” ay tandang-tanda pa rin ng actress at TV host ang mga araw na hindi sila nagpapansi­nan ni Dingdong sa taping.

Pagbabalik-tanaw ni Marian, napikon daw siya sa sinabi noon ni Dong na prepaid daw siguro ang cellphone niya dahil hindi siya sumasagot sa text.

“Medyo hindi kami magkasundo sa Marimar. Hindi kami nagpapansi­nan. Maldita kasi ako, e. Noong time ng Dyesebel [2008], nasabi niya sa akin, ‘Ang suplada mo naman. Tine-text kita, bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang?’ Nagalit talaga ako kasi yung totoo, naka-prepaid ako. E, nasa isla kami sa Palawan, so bumili ako ng maraming cards. Kapag wala na akong card (load), pumupunta ako sa dulo, nagkakaska­s ako para mag-load. Kaya nu’ng sinabi niya na ‘Siguro, naka-prepaid ka…’ kasi totoo na naka-prepaid ako. Kaya sabi ko, kapag sumuweldo ako, after nito, magla-line na ako, kaya naka-line na ako noon after,” pag-alala pa ni Marian sa pagsisimul­a ng naging relasyon nila ni Dingdong bilang magka-loveteam.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines