Daily Tribune (Philippines)

ALDEN RICHARDS, NAGSALITA NA

- NI JOY ASAGRA

Nagsalita na rin sa wakas ang Kapuso actor na si Alden Richards patungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ni Maine Mendoza.

Sa isang panayam, tinapos na ng aktor ang bulungbulu­ngan patungkol sa kanila ng dalaga.

Maituturin­g na phenomenal ang naging love team nina Alden at Maine o mas kilala bilang AlDub na nagsimula sa “Eat Bulaga” segment na “Kalyeserye” na nagsimula noong July 2015.

Talaga namang tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan at magpahangg­ang ngayon nga ay marami pa rin ang solid supporters ng kanilang love team kahit na matagal na itong nagtapos.

Dahil nga rito ay mayroon pa rin ang patuloy na kumakapit kina Alden at Maine at dumating na nga sa puntong may mga ipinapakal­at na itong ikinasal raw ang dalawa at may kambal pang anak.

Sa kabila ng ilang beses nang paglilinaw ni Maine na inamin niya sa interview kay Ogie ay patuloy pa rin nilang ipinipilit na totoo ito.

Ayon sa aktor, “self-explanator­y” o hindi na niya kailangang mag-explain uko sa nangyari sa kanila ni Maine ngunit aminado siya na malaki ang pasasalama­t niya sa mga sumuporta sa kanila.

“I think everything po is self-explanator­y. Uulitin ko po, during the AlDub era, nagpapasal­amat po kami sa lahat po ng suportang ibinigay ninyo sa amin, sa lahat po ng pagmamahal. You know, masaya po kami na napasaya namin kayo. But right now po kasi, kami po ni Maine ngayon, we’re at a point na we’re not getting any younger. We’ve already made our, of course, personal choices,” sabi ni Alden.

Matatandaa­ng engaged na ngayon si Maine sa actor-politician na si Arjo Atayde at ang naturang proposal ay naganap pa nga sa isang beach resort sa Batangas nitong 2022. Habang aminado naman si Alden na single siya ngayon at walang dine-date.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines