Daily Tribune (Philippines)

KARUMAL -DUMAL

-

Nitong nakaraan lamang ay naiuwi na sa bansa ang mga labi ng overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara na pinatay umano ng anak ng kanyang amo sa Kuwait.

Talagang nakaluluno­s ang nangyari sa ating kababayan dahil bukod sa mga sugat sa ulo at sinunog pa ang katawan ng biktima at iniwan sa disyerto.

Ang pangyayari­ng ito ang nagbunsod na rin sa pamahalaan na rebyuhin pa ang labor policies ng Pilipinas sa Kuwait at siyempre, nagpapakit­a ito na hanggang ngayon ay may mga nangyayari pa ring pangaabuso sa ilan sa ating mga kababayan na nagtatraba­ho sa ibang bansa.

Pero hindi pa natatapos ang kaso ni Ranara ay heto at may naiulat na namang transgende­r na Pinoy at isang Pinay ang natagpuang patay sa magkahiwal­ay na lugar sa New York City nitong buwan ng Enero.

Natagpuang nakahandus­ay sa banyo ng iuupahan niyang apartment sa Elmhurst, Queens, New York City nitong ika-17 ng Enero ang isang Pinay na nakilalang si Zeny Braga, 44-anyos.

Patay na ng dalhin ito sa Elmhurst Hospital ng mga rumesponde­ng paramedic mula sa New York Fire Department.

Nitong ika-19 ng Enero naman nang itawag sa 911 ang pagkakatuk­las sa katawan ni Rodolfo Manacap Jr, isang transgende­r, sa isang hotel sa Manhattan na kilala rin sa Filipino community sa tawag na Olivia Snow.

Huli siyang nakita ng kanyang mga kaibigan sa Miss Universe beauty pageant sa New Orleans noong ika-14 ng Enero.

Wala pang opisyal na ulat kung may foul play sa pagkamatay ng dalawang Pinoy.

Hindi dapat palampasin ng ating pamahalaan ang mga ganitong klase ng insidente, dahil kailangang mabigyan ng hustiya ang ating mga kababayan na namamatay o nasasaktan dahil sa kagagawan ng ilang mga masasamang elemento.

Sana ay matugunan ng pamahalaan ang mga problemang ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines