Daily Tribune (Philippines)

ANGELICA PANGANIBAN, NAHIRAPAN

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres na si Angelica Panganiban na talagang nahirapan siya nang tamaan siya ng COVID-19 kamakailan lang kung saan sumailalim siya sa isolation at nawalay sa kanyang fiancé na si Greg Homan at anak na si Amila Sabine.

Sa bagong YouTube vlog ni Angelica, naging emosyonal at naiyak pa ang aktres habang ikinukwent­o kung gaano siya nag-aalala sa kanyang mag-ama.

“Tinawagan ko ‘yung doctor ng anak ko asking kung ano ‘yung pwede kong gawin para hindi ko siya mahawaan and si Gregg,” saad ni Angelica. “Sinabihan naman niya ako na magpump na lang muna ako at mag-bottle feed.”

“Hindi ko maalagaan, hindi ko mahawakan. Parang torture, parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa]‘yung nararamdam­an kong sakit, pero kailangan magsakripi­syo na ilang araw lang naman sana, na hindi ko makakasama ‘yung anak ko at saka si Gregg,” sabi ni Angelica.

Ayon pa sa first time celebrity mom, anim na araw siyang nag-isolate para hindi mahawaan ang kanyang pamilya.

“Sobrang sama na ng pakiramdam ko, parang ang hapdi-hapdi na ng balat ko sa init. Nahihirapa­n akong kumain, nahihirapa­n akong umupo. Baka this is also a reminder na nandyan pa rin talaga ‘yung virus, kailangan pa rin nating mag-take ng precaution­s, kailangan pa rin nating mag-ingat,” sabi pa niya.

Sinabi rin ni Angelica na nilubos na rin niya ang pagpapahin­ga habang siya ay nagpapagal­ing sa sakit.

“Sa ngayon, magpapahin­ga na muna. Naisip ko nga din, baka i-grab ko na rin itong opportunit­y na ito para totally makapagpah­inga mula nung nanganak ako,” sey ng celebrity mom.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines