Daily Tribune (Philippines)

BEA ALONZO, AYAW NANG HANAPIN ANG TATAY

- Ni Cheriel Lazo

Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na ayaw na niyang hanapin ang kanyang biological father na isang British national para na rin umano ikatatahim­ik ng kanyang ina at ng kanilang pamilya.

Mula nang isilang si Bea ay ang kanyang ina nang si Mary Anne Ronollo ang nag-alaga at nagtaguyod sa kanya dahil hindi na nga niya nakita ang kanyang totoong tatay.

Sa isang panayan, sinabi ni Bea na four years old pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang ina at totoong ama kaya wala siyang idea kung ano ang itsura nito.

“Back in 2010 noong nakilala ni Angelica (Panganiban) yung tatay niya and parang nainggit ako sa kanya. Siyempre Angelica and I are good friends, ako yung isa sa mga una niyang pinagsabih­an kasi alam niya na makaka-relate ako doon sa experience niya. I tried looking my father, tapos may mga pinaghinal­aan pero hindi pala yon yung totoo,” sabi ng dalaga.

“That Christmas, nilasing ko yung nanay ko na hindi umiinom by the way. Nilasing ko siya para mag-extract ako ng informatio­n, tapos nagulat ako doon sa naging resulta kasi talagang umiyak siya. Nakita ko yung… I don’t know kung trauma for that relationsh­ip or ano, so I felt so guilty,” paliwanag pa niya.

At dahil dito, na-realize ng aktres na hindi na niya kailangan pang matunton ang kinarorona­n ng ama dahil sapat nang kasama niya ang pinakamama­hal na ina.

“Parang nagkaroon ako ng epiphany na noong nag-reflect ako, sabi ko, ‘Alam mo, hindi ko naman kailangan ng tatay, kasi buo naman ako. Kung ano yung ibinibigay sa akin ng nanay ko, sobra-sobra pa sa ibinibigay ng dalawang parents. She’s been through enough kaya hindi ko na rin hinanap,” saad pa ni Bea.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines