Daily Tribune (Philippines)

TAAS-PASAHE?

-

Ngayong tumaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo, hindi na maiiwasang madinig ang pag-aray ng ating mga kababayan lalo na ang mga tsuper ng mga pampubliko­ng sasakyan.

Aminado rin ang mga motorista na dagdag pasanin na naman ito sa kanila lalot ito na ang ikatlong beses nang nagkaroon ng umento sa presyo ng produktong petrolyo. Sa gasolina, P1.30 ang dagdag, P1.35 sa kerosene habang piso sa diesel.

Kasama na rin sa mga dumaraing ang mga UV Express drivers, lalo na at piso din ang dagdag sa krudo at nitong nakaraan ay humihirit na sila ng pisong dagdag sa pamasahe bawat kilometro.

Ayon sa UV Express National Alliance of the Philippine­s, dapat ay tugunan na umano ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board sa kanilang hiling na pisong dagdag sa pamasahe.

Ayon sa pangulo ng grupo na si Exequiel Longares, napapanaho­n na ang umento sa pamasahe lalot mula 2002 walang fare increase ang mga UV express.

Ramdam na ng mga namamasada maging ng mga UV express operators ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hinihintay na lamang ngayon ng grupo ang magiging desisyon ng LTFRB sa kanilang hiling.

Natapos na rin ayon kay Longares ang hearing para dito. Pero para sa mga regular commuters malaking epekto ang dagdag sa pamasahe.

Hiling din ng grupo na mabigyan ulit ng subsidiya ang mga UV express drivers at operators lalo’t karamihan sa mga ito ay ngayon pa lamang bumabawi sa epekto ng pandemya.

Makakabuti din ayon sa grupo na matulungan sila lalo’t kasabay din sila sa transport modernizat­ion program kung saan kailangan na palitan ang kanilang mga unit.

Sa buong bansa, nasa mahigit 50,000 ang UV express, ayon kay Longares.

Hindi naman natin maiaalis ang hiling ng ating mga tsuper, dahil talagang hindi na nila alam kung ano pa ang gagawin at kung ano pa ang kikitain nila ngayong walang humpay ang pagtaas ng presyo ng krudo.

Pero sana ay magawan ng paraan ng pamahalaan na matugunan ang mga hinaing ng ating mga tsuper, nang hindi naman maipasa sa mga mananakay ang dagdag pasanin na ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines