Daily Tribune (Philippines)

GENEVA CRUZ, HINDI AATRAS

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres at singer na si Geneva Cruz na hindi siya umaatras sa mga pumupuna sa kanya sa social media lalo na kapag nagpopost siya ng kanyang fit and fab body.

Inalala ng singer ang mga bikini post niya na pinuna ng ilang basher tulad ng pagsita na maitim umano ang singit niya.

“Sabi ang itim ng singit. Parang sinagot ko lang [na] sabi ko ‘that’s called showdow.’ Sabi ko pasensiya ka na I forgot to photoshop it for your delight,” sabi ni Geneva. “I don’t post pictures para lang sa kaligayan ninyo.”

Dagdag pa niya, gusto niya ang body positivity sa pag-post niya ng kaniyang bikini photos na kita rin ang kanilang bilbil, stretch marks, at loose skin.

May pumuna rin umano sa kaniya na hindi na siya dapat mag-post ng larawan na nakabikini dahil 40’s na siya at masagwa nang tingnan at nakakahiya.

“Parang sinasabi ko na ‘watch me.’ Kung masaya ako sa bikini ko hindi naman nakakasaki­t, leave me alone,” anang aktres.

Ayon kay Geneva, ipinapakit­a niya rin ang imperfecti­ons sa kaniyang katawan sa kaniyang mga bikini post.

“Kasi ayoko ring isipin nila na just because celebrity kami we’re pecfect, we’re not,” sambit niya.

Sa pagsagot niya sa mga basher, sinabi ni Geneva na nais din lang niyang ipagtanggo­l ang ibang katulad niya ang edad na nagbi-bikini at maging sa mga ina na may bilbil, stretch marks at loose skin na hindi nauunawaan ng iba.

Kaya hinihikaya­t niya ang mga kababaihan na mahalin at ipagmalaki ang kanilang katawan.

Bilang inspirasyo­n din sa iba, sinabing nagsimulan­g mag-workout si Geneva noong 2014 nang isilang niya ang pangalawa niyang anak. Naging coach pa niya sa kaniyang workout ang panganay na anak na si Heaven.

Ngayon, may sinusunod na siyang regular workout. Kaya hindi lang siya strong physically, kung hindi maging mentally din.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines