Daily Tribune (Philippines)

TRAFFIC ENFORCER, PATAY SA PAMAMARIL

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nakunan ng CCTV ang pamamaril sa isang traffic enforcer ng isang tao na umano’y nakaaway nito Linggo ng gabi sa Tanza, Cavite.

Sa kuha ng video sa insidente, makikita ang isang lalaking nakasakay ng motorsiklo na nakikipagt­alo sa enforcer sa harap ng isang mall bandang alas-6 ng gabi. Nakatayo naman sa gilid ang lalaking angkas.

Maya-maya pa’y pinaandar ng rider ang motorsiklo at tinangkang sagasaan ang enforcer sa harap niya habang sa isa pang video, makikitang inaambahan na ng suntok ng lalaki ang mga enforcer.

Biglang may inabot sa suspek ang kasamang lalaki at doon na sunod-sunod na pinaputuka­n ang mga enforcer. Matapos ang pamamaril, humandusay ang isang duguang enforcer.

Tumakas sakay ng motorsiklo ang rider at angkas habang dinala naman sa ospital ang enforcer pero dead on arrival ito.

Batay sa imbestigas­yon ng Tanza police, minura ng suspek ang biktima kaya pinahinto siya nito sa tabi ng kalsada.

“Under the influence of liquor [ang suspek]. Ang instinct ng ating enforcer, nabastos, nagpeperfo­rm ng kaniyang official functions, flinag nila itong suspects,” kuwento ni Maj. Dennis Vilalnueva, officer-in-charge ng Tanza police.

“Sa pag-flag nila, doon nila nakita ‘yong violations [ng suspek] na walang helmet, walang OR-CR and the likes, and doon na nagkaroon ng heated argument,” dagdag niya.

Ayon kay Villanueva, dalawang beses nang nakasuhan ang suspek pero parehong na-dismiss ang kaso.

“Mayroon siyang record na double murder. Nai-file ito noong 2020 kaya lang for unknown reasons hindi na-prosper ‘yong kaso, na-dismiss. Mayroon din siya illegal possession of firearms through search warrant noong 2019 naman, hindi rin nag-prosper,” saad ni Villanueva.

Patuloy ang isinasagaw­ang hot pursuit operation ng mga awtoridad para matugis ang mga suspek at nakahanda rin umanong magbigay ang lokal na pamahalaan ng Tanza ng P100,000 reward money sa kung sino man ang makapagtut­uro kung nasaan ang suspek.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines