Daily Tribune (Philippines)

PAIGTINGIN ANG KAMPANYA

- Elmer N. Manuel Editor

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pananalasa ng mga teroristan­g grupo sa bansa lalo na sa mga kanayunan at nitong nakaraan nga ay naiulat na nasa 3,000 residente ang inilikas sa bayan ng Marogong, Lanao del Sur dahil sa banta umano ng teroristan­g grupong ISIS.

Ayon sa mga militar, umabot na sa 3,154 indibiduwa­l ang umalis sa kanilang mga tirahan kasunod ng banta, base sa tala ng Ministry of Social Services and Developmen­t sa Bangsamoro region.

Kamakailan, naaresto ang apat na miyembro ng teroristan­g grupo matapos magdala ng mensahe sa mga awtoridad na magtatanim sila ng mga bomba sa paligid ng bayan.

Nagbanta rin umano sila ng situwasyon­g kapareho ng Marawi siege.

Pansamanta­lang inilipat sa mga kalapit-bayan ang mga residente, na binigyan din ng relief goods habang hinihintay na maayos ang situwasyon.

Inaasahan naman umano ng MSSD na madadagdag­an pa ang bilang ng mga lilikas sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pagbabanta.

Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr, nag-deploy na sila ng mga tauhan sa Marogong para tiyakin ang seguridad ng mga residente.

Tuloy rin ang pagbabanta­y ng mga pulis sa situwasyon at pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippine­s, sabi pa ni Acorda.

Ang mga ganitong klaseng insidente ay hindi dapat pinalalamp­as ng pamahalaan at kailangan nang paigtingin pa ang kampanya laban sa mga ito.

Hindi magkakaroo­n ng tunay na kapayapaan sa ating bansa kung magpapatul­oy ang paghahasik ng lagim ng mga teroristan­g grupong ito, kaya dapat lang na mapuksa na ang mga ito.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines