Daily Tribune (Philippines)

LOISA ANDALIO, UMALMA SA ‘PAGBANGKO’ SA BF

- NI JOY ASAGRA

Inalmahan ng aktres na si Loisa Andalio ang nangyari sa kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte makaraang hindi ito pinaglaro sa naganap na Star Magic All-Star Games ng kanyang coach sa basketball.

Hindi na naitago ng dalaga ang pagka-badtrip dahil para umanong binalewala ng kanyang team ang kakayahan niya bilang basketball player.

Player si Ronnie para sa Team Star Magic kasama sina Daniel Padilla, Donny Pangilinan at marami pang iba.

Pinaniniwa­laang nabangko ang aktor sa naganap na basketball game tulad din ng reklamo ng mga nakapanood sa nabanggit na laro. Ganyan din ang feeling ni Loisa kaya naman hindi na siya nakapagpig­il na ilabas ang sama ng loob.

Ibinahagi ng Kapamilya actress ang ilang litrato at video clips ng paglalaro ni Ronnie sa Star Magic All-Star Games kalakip ang matapang niyang mensahe.

“It’s time to walk away when you’re not appreciate­d for who you are. You deserve to be respected,” ang pahayag ni Loisa sa kanyang IG post last May 27. Nilagyan pa niya ito ng hashtag na “#WhenAStarL­osesItsMag­ic.”

Siyempre, kadamay ni Loisa ang kanyang mga followers na naglabas rin ng kanilang mga saloobin.

“Favoritism kasi umiiral, di dapat basketball yung game, fanservice dapat tawag, kung sino ung napagperah­an na fans yun priority nilang artist, kaya mas nasisira ang ABS dahil sA kultura nilang favoritism,” saad ng isang fan.

“Nababangko din po ako sa basketball pero never ko naisip na hindi ako naappricia­te or hindi nirespeto bagkos mas naisip ko na mas kailangan ko pa pagbutihan. Kung sa NBA nga mga top pick at mga player na may napatunaya­n na nababangko pa ee. Career na nila yung liga na yun ito kasiyahan lang. Wag ho tayo sa badside ng sitwasyon lagi tumingin. God bless,” dagdag pa ng isa.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines