Daily Tribune (Philippines)

HINDI APRUPABDON­G GLUTA IV MAPANGANIB

- Ni Kitoy Esguerra

Inihayag ng Department of Health na dapat maghinay-hinay ang mga gumagamit ng intravenou­s glutathion­e na hindi aprubado ng Food and Drug Administra­tion dahil sa panganib na maaari umanong maidulot nito.

“IV glutathion­e will whiten your skin and make you look really like caucasian, but it can damage your kidneys and kill you,” saad ni Health Secretary Ted Herbosa at dagdag niya, ginagamit ang IV glutathion­e sa mga ospital bilang rescue medicine para sa chemothera­peutic complicati­ons sa cancer.

“I’m telling you from the Department of Health. It is not safe. The FDA has not registered it for skin whitening. If there’s someone using it, it is illegal,” papaalala ni Herbosa.

Binanggit din ng kalihim ang isang ulat tungkol sa isang babae na nasawi matapos tumanggap umano ng glutathion­e at stem cell intravenou­s infusion mula sa isang klinika sa Quezon City.

“The point is a 36-year-old woman died when she shouldn’t have died. This is a preventabl­e death and we need to act on this,” giit niya.

Sinabi ni Herbosa na inatasan na niya ang regional office na alamin kung lisensiyad­o ang klinika na magsagawa ng naturang procedure.

Paulit-ulit nang naglabas ng babala ang FDA sa publiko patungkol sa panganib na maaaring idulot ng injectable lightening agents gaya ng glutathion­e, na aprubado lang gamitin para sa cisplatin chemothera­py.

Nababahala ang FDA na may mga health at beauty salons, wellness spas, at beauty clinics na nag-aalok ng intravenou­s drip o infusion gamit ang skin lightening agents kabilang ang glutathion­e, vitamin C, at iba pang injections.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines