Daily Tribune (Philippines)

PAGWAWAKAS NG BUHAY KALYE

-

Ang mga natutulog sa bangketa at kariton ang simbolo ng kahirapan sa lipunan. Sinasalami­n rin nila ang kawalan ng malasakit at tulong sa kanila ng mga kinauukula­n.

Sa utos ng pangulo na gawing institusyo­n ang programa ng Department of Social Welfare and Developmen­t na Oplan Pag-abot, inaasahan na mawawakasa­n na ang paghihirap ng mga walang tahanan sa pagpapalaw­ig ng programa.

Inilunsad ng DSWD ang Oplan Pag-abot noong Hulyo at inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order na ginagawang permanente ang programa nitong Huwebes. Layunin ng utos na tuloy-tuloy na isasagawa ng DSWD ang pagtulong sa mga naniniraha­n sa lansangan.

Maganda ang programa dahil mabibigyan ng maayos na buhay ang mga mistulang mga aliping lagalag. Mabibigyan sila ng tirahan o maibabalik sila sa kanilang tunay na tirahan sa probinsiya. Mabibigyan rin sila ng trabaho, tulong pangkalusu­gan at iba pang pangangail­angan upang hindi na sila mamuhay sa labas lalo na ang mga bata at matatanda.

Nagkalat sa Maynila ang mga pamilyang naniniraha­n sa lansangan, nauulanan, naaarawan, walang palikuran, higaan, atbp. Kaya naman tama lamang na naglunsad ang DSWD ng programang Pag-abot upang sila’y matulungan. Ngunit hindi ito epektibo kung hindi tuloy-tuloy, kulang sa pondo at kulang sa tauhang magsasagaw­a nito.

Kung ang mga nagsisukon­g rebelde ay binibigyan ng kapital upang makapagsim­ula muli o ang mga tsuper ng jeepney na naapektuha­n ng mataas na presyo ng krudo ay binigyan ng perang ayuda pambili ng gasoline para makapamasa­da, marapat lang na matulungan din ang pinakadukh­a sa ating bayan. Hindi naman sila magiging pabigat sa mga nagbabayad ng buwis dahil pansamanta­la lamang ang ayuda at sila ay tuturuang magsarilin­g sikap.

Hindi biro at hindi madali ang programang Pag-abot ngunit sa pagbibigay ng dagdag na suporta dito ng pamahalaan ay malaki ang pagkakatao­n na ito’y magtagumpa­y. Darating rin ang panahon na wala nang makikitang nakatira sa kariton o natutulog sa bangketa na manipis na karton lamang ang sapin sa madumi, malamig at matigas na sahig.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines