Daily Tribune (Philippines)

HUHULIHINN­A

-

Mukhang madadagdag­an na naman ang pasanin ng ating mga kababayang jeepney drivers na hindi pa kasama sa consolidat­ion sa ilalim ng Public Utility Vehicles Modernizat­ion Program dahil bukod sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo, malaki ang posibilida­d na hindi na makakabiya­he ang mga ito.

Nitong nakaraan kasi ay nagpulong na ang mga opisyal ng Land Transporta­tion Office para sa paghihigpi­t sa paghuli sa mga hindi rehistrado­ng sasakyan at mga kolorum, kabilang na ang mga pampasaher­ong jeepney na hindi nagconsoli­date sa ilalim ng PUVMP.

Ayon sa LTO, paplantsah­in na nito ang magiging latag ng kanilang programa kaugnay sa PUVMP simula sa Pebrero.

Kung matatandaa­n, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na magbubukas sila ng karagdgang mga impounding facilities sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa inaasahang pagdami ng mga mahahatak na sasakyan.

Batay sa datos ng LTO, umabot na sa 24,366 ang naka-impound na mga pribado at pampubliko­ng sasakyan sa mga regional offices ng LTO, kabilang dito ang 359 na sasakyan sa LTO impounding area sa Quezon City.

Una nang ipinaalala ni Mendoza ang mabigat na multa at kasong nag-aabang sa mga mahuhuling kolorum na jeepney.

“‘Pag colorum, there are two sets of penalties, 1 yung penalty, administra­tive fine nila, so P50,000, may P200,000, may P1 million, depende kung anong sasakyan. Meron ding criminal liability yan, ‘tas up to P3 million fine,” sabi ni Mendoza.

“Pag hinuli mo ang sasakyan because of unregister­ed motor vehicle or colorum, yung lisensiya ng driver kumpiskado po yan. The driver will be prosecuted criminally. Basta colorum po yan, pag unregister­ed naman suspendido lisensiya niya,” dagdag pa niya.

Kaya payo lamang sa ating mga kababayang jeepney drivers, sana ay makagawa na kayo ng paraan upang mapabilang na sa consolidat­ion.

Para naman sa LTO, dapat ay magkaroon kayo ng puso at unawain ang kalagayan ng ating mga jeepney drivers na siguradong maapektuha­n ang kabuhayan at buhay nila at ng kanilang mga pamilya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines