Daily Tribune (Philippines)

SCAMMER SA DATING APP NATIMBOG

- Ni Kitoy Esguerra

Isang lalaki ang bumagsak sa kalaboso matapos siyang mahuli sa umano’y pagkulimba­t ng nasa P15 milyon sa mga biktimang babae, kasama na ang mga single mother sa pamamagita­n ng scam sa dating app.

Ayon sa National Bureau of Investigat­ion Cybercrime Division, nagpapangg­ap umano ang suspek na negosyante o tagapagman­a ng isang mayamang pamilyang Chinese.

Batay sa panunang imbestigas­yon, hinahanap umano niya ang mga biktima sa pamamagita­n ng dating app, at kukumbinsi­hin na para matanggap ng kanyang mayamang pamilya, kailangan may negosyo na nakapangal­an sa kanya at sa biktima.

Bahagi umano ito ng background check ng kanyang pamilya, sabi ng isang biktima.

Sa isang entrapment operation sa Mandaluyon­g, hindi na nakapalag pa ang suspect. Nakuha ng mga operatiba ang marked money na P25,000 na natanggap niya at parte sana ng transaksyo­n niya sa isa pang biktima.

May nakuha ring 3.5 gramo ng hinihinala­ng shabu sa isang sachet, sabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc.

Iba’t ibang dating app ang ginamit ng suspect para makapanlok­o mula 2020, ani Lotoc.

Dagdag ni Lotoc, umabot sa halos P15 milyon ang nakuha ng lalaki sa halos 20 na biktima sa loob ng 3 taon, na ginagamit niya sa casino.

“Ang ginagawa ng subject natin, ipapasok niya sa casino, ilalaro niya doon,” sabi ni Lotoc.

“Based sa record namin at based sa investigat­ion namin, 2020 pa nag-start na ito. In fact, based doon sa computatio­n namin nasa P12 to 15 million na ang nakukulimb­at nito sa mga biktima niya… bawat isang victim, katulad nito sa isang complainan­t nasa P1 million yung nakulimbat niya,” dagdag niya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines