Daily Tribune (Philippines)

SINGIL ITIGIL

-

Teknolohiy­a ang nakakapagp­abilis ng mga prosesong manwal. Sa pangmataga­lan, nakakameno­s ito sa gastusin ng isang ahensya ng gobyerno sa pasweldo dahil mas mabilis nitong matapos ang trabaho na ginagawa ng ilang tao. Bagaman may gastos sa teknolohiy­a gaya ng mga makina at software, bawi naman ito sa mas kakaunting tauhan na mag-aasikaso rito at dapat paswelduhi­n. Marapat lamang na hindi na singilin sa taumbayan ang mas maigi at mabilis na serbisyo dahil ito naman ay dapat na ibinibigay ng pamahalaan.

Subalit hindi ganito ang pananaw ng mga nagpapatak­bo ng byurukrasy­a. Kung anong ginhawa ng serbisyo na maiparamda­m nila sa publiko sa tulong ng komputeris­asyon ay may kaukulang bayad. Kaya naman ang Land Transporta­tion Office ay naniningil ng P169 computer fee sa mga nagpoprose­so ng mga papeles kaugnay sa renewal ng rehistrasy­on ng sasakyang pribado at pampasada.

Nang ireklamo ng Federated Land Transporta­tion Organizati­ons of the Philippine­s ang pagbabayad ng computer fee sa Department of Transporta­tion, tinanggal ito ni Kalihim Jaime J. Bautista. Subalit hindi ito naipatutup­ad ng husto dahil may ilang sangay ng LTO ang umano’y naniningil pa rin ng computer fee.

Kung kailangan talagang makibahagi ang publiko sa pagtugon sa gastos sa teknolohiy­a na ginagamit ng pamahalaan, siguro ay dapat maliit lamang ang bayad dito. Sa dami ng mg ana ki kip ag trans a ks yon sam ga a hens yang pamahalaan tulad ng LTO, mababawi nila ang gastos sa maliit na halagang masisingil sa tao at babayaran ng taumbayan.

Kung P169 ang babayaran ng bawat isang tao na magpapa-renew ng rehistrasy­on ng sasakyan at libu-libo ang bilang nila bawat araw, milyun-milyong piso ang kikitain ng ahensya sa computer fee pa lamang na makukubra nila. Sobra-sobra na ito sa pagbabayad ng makina at software na isang beses lamang bibilhin o gagastusin. Marahil ay dapat babaan ang singil sa computer fee kung hindi man kayang tanggalin ito ng lubusan para naman hindi mahirapan sa gastos ang mga mamamayan.

Sa iba pang singil ng sari-saring ahensya ng pamahalaan sa taumbayan, dapat na rin marahil tanggalin o itigil ang mga ito kung malaki naman ang matitipid sa gastos sa operasyon gamit ang teknolohiy­a.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines