Daily Tribune (Philippines)

$16M NILIMAS NG ‘PEKENG KAIBIGAN’

-

Mahigit 6,300 katao ang nalinlang ng “pekeng kaibigan” sa Singapore noong nakaraang taon at sama-samang nawalan ng katumbas ng halos $16 milyon sa scam, ayon sa pulisya ng isla.

Sa nasabing scam, nakikipagu­gnayan sa mga biktima ang mga nagpapangg­ap na kaibigan o kakilala nila, at uutangan o hihingian sila ng tulong pinansyal.

Sinabi ng pulisya sa isang pahayag noong Martes na nagbigay ang mga biktima ng 21.1 milyong Singaporea­n dollar sa mga ganitong scammer mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon.

Sa pinakahuli­ng kaso, limang Malaysian ang napabalik noong Martes sa Singapore dahil sa pagkakasan­gkot nila sa scam na “pekeng kaibigan” at pagkubra ng $1 milyon sa mga biktima, pahayag ng pulisya, ayon sa Agence France Presse.

Nilusob ng mga pulis ng Malaysia at Singapore ang dalawang apartment sa Johor state na nasa hangganan ng estadong isla, noong unang bahagi ng buwan sa isang magkasanib na operasyon.

Inaresto nila ang limang lalaki na may edad na 19 hanggang 36 dahil sa hinihinala­ng pagkakasan­gkot sa nasabing scam na nambibikti­ma ng mga Singaporea­n.

Ang mga lalaki ay kakasuhan ng conspiracy to cheat, ayon sa pulisya.

Naniniwala ang pulisya na ang sindikato ang may pananaguta­n sa mahigit 500 sumbong sa pulisya at pagkalugi ng mga biktima na umaabot sa mahigit 1.4 milyong Singaporea­n dollar mula noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang limang lalaki ay nahaharap ng hanggang 10 taon pagkakabil­anggo at multa kung napatunaya­ng nagkasala ng pagsasabwa­tan upang mandaya.

“Ang puwersa ng pulisya ng Singapore ay nakikipagt­ulungan nang malapit sa Royal Malaysia Police upang tuklasin at lumpuin ang mga transnatio­nal scam syndicate na ito na nambibikti­ma sa ating mga mamamayan,” sabi ni David Chew, direktor ng Commercial Affairs Department ng puwersa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines