Daily Tribune (Philippines)

QUIBOLOY HINDI HAHARAP SA SENADO

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ni Pastor Apollo Quiboloy ng religious group na Kingdom of Jesus Christ na hindi umano siya haharap sa pagdinig ng Senado kahit pa padalhan siya ng subpoena na may kaugnayan sa alegasyon ng mga nagpakilal­a na dati niyang miyembro na kaniya umanong inabuso.

Sa isang video, pinasinung­alingan ng religious leader ang mga akusasyon laban sa kanya ng mga testigong humarap sa pagdinig ng ng Senate committee on women and children na pinamumunu­an ni Senador Risa Hontiveros.

Nitong Martes ay inakusahan si Quiboloy ng pang-aabuso ng mga dati umano niyang miyembro, na dalawa sa kanila ay mula sa

Ukraine.

Pero ayon kay Quiboloy, wala umanong katotohana­n ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Kahit sino puwedeng gumawa ng ganong alegasyon. Sapagkat wala naman silang sasagutin pa kasi under sila sa inyong Senate hearing. After ng hearing na iyan talagang mananagot po sila sa batas, sa mga false allegation­s lalo na ang reputasyon ko po ang nakataya dito,” sabi ni Quiboloy.

“Lahat ng mga false accusation­s na ginagawa pa, kahit sino puwede kayong pumik-up ng isang witness at pagkatapos tabunan ang mukha, pagkatapos gawin ninyong alias, kahit ano na lang ang pinagsasab­i niya doon, wala ba siyang sasagutin?” dagdag niya.

Ayon kay Quiboloy, handa niyang sagutin at harapin ang mga nagaakusa sa kaniya sa “court of law.”

“Kahit 100 pang witnesses ang inyo pong bayaran I will face you anytime, anywhere in a court of law. Just do it and I will face you anywhere, anytime in a court of law. If you cannot do that then you are all bogus, you are all false and you don’t deserve my respect,” saad ni Quiboloy.

Samantala, kinuwestiy­on naman ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio ang ginagawang pagdinig ng komite na kontrolado ni Hontiveros.

“Walang makapagkuw­estiyon sa kaniya, she cannot be held in any other place liable for any of her acts. Walang right to counsel doon na magsalita yung counsel,” ayon kay Topacio.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines